Annabelle Rama explains why son Richard Gutierrez has become more choosy with his projects

IMAGE Noel Orsal

Annabelle Rama explains why her son Richard Gutierrez is laying low from showbiz and has become more picky with his projects: "He can afford to travel anywhere. Ine-enjoy niya. Sabi niya sa akin kasi, kung wala rin namang magandang project, kung so-so, 'wag na. Kung may magandang offer na hindi pa niya nagawa before, baka sakali."


Marami ang nanghihinayang para kay Richard Gutierrez dahil bukod sa mas mukhang fit at guwapo siya ngayon ay hindi na siya gaanong ka-active sa telebisyon o pelikula.

Paliwanag ng ina ni Richard na si Annabelle Rama, “Alam niyo, si Richard, I cannot blame him, meron siyang pera.

“He can afford to travel anywhere. Ine-enjoy niya.

“Sabi niya sa akin kasi, kung wala rin namang magandang project, kung so-so, ‘wag na.

“Kung may magandang offer na hindi pa niya nagawa before, baka sakali.

“Sabi niya, 'Mommy, o-offer-an ka ng ganyan-ganyan, parang trying hard ko naman.'

“Sabi niya, 'Kung ako, wala sa showbiz, nasa taas pa ko. Hindi ako umalis.'”

Mapili na si Richard?

“Super, super!” mabilis niyang sagot.

Sabi pa ni Annabelle, “Nanghinayang ako. Nawala ang aking commission.

“In-love, in-love kay Zion.

“Nandoon naman sila ngayon sa Switzerland.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle noong March 21 sa Viva office sa Tomas Morato Ave., Quezon City, sa pocket presscon ng bagong talent niyang si Kara Mitzki.

Pero noong March 22 ay sumunod na rin sila ni Eddie Gutierrez kina Richard, Sarah Lahbati at Zion sa Switzerland para sa kanilang It Takes Gutz to be Gutierrez.

May offer raw ang ABS-CBN pero hindi pa naman daw nagkakaroon ng meeting.

ALL'S WELL WITH IN-LAWS. Kasama sa mga lakad nila sa Switzerland ang mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Esther at Adbel Lahbati, kaya posibleng mapanood din ito sa family reality series nila sa E!

Kung dati ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nila ng Mommy ni Sarah, ngayon ay okey na raw sila.

Ayon pa rito, “Okey naman na kami ni Esther.

"Alam mo kasi dati, nabigla lang talaga siya na si Zion, nawala sa kanya.

“Hindi niya matanggap yun.

“Masyado siyang sensitive.

“Ngayon, natanggap na siguro niya. Sama-sama na rin sila ni Sarah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “At saka hindi ako nag-manage kay Sarah.

“Sayang nga at wala akong kinikita.

“Binigay ko siya kay Boss Vic. Sabi ni Boss Vic, 'Hati tayo.'

“Sabi ko, ‘Wag na. Baka magalit na naman ang nanay.'

“Ginagamit si Sarah, ayoko ng ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN