Annabelle Rama remains indifferent to Ruffa Gutierrez's boyfriend: "Talagang ayoko, 'Day!"

IMAGE Noel Orsal

Annabelle Rama admits to snubbing Jordan Mouyal, Ruffa Gutierrez's current boyfriend: "Kapag nagkikita kami sa convention, hindi ko siya binabati. Ang kapal ng mukha, lalapit pa rin sa akin, ang dami pa namang tao. Akala niya, sa rami-raming tao, babatiin ko siya."


Amindado si Annabelle Rama na hanggang ngayon ay tutol pa rin siya kay Jordan Mouyal, ang current boyfriend ng anak niyang si Ruffa Gutierrez.

Ayon sa celebrity mom, “Talagang ayoko, 'Day!

“Kapag nagkikita kami sa convention, hindi ko siya binabati.

“Ang kapal ng mukha, lalapit pa rin sa akin, ang dami pa namang tao.

“Akala niya, sa dami-daming tao, babatiin ko siya.

“Sabi ko, 'Makapal ang mukha mo...' Hindi ako nahihiya.

“Siya ang napapahiya. Lalapit siya sa akin, 'Hi, Mrs. Gutierrez!'

“Sabi ko kay Jimmy [her assistant], huwag nang palalapitin. E, gusto pa rin daw.”

My favorite person to have @magnum with ? @jordanmouyal ????????????#neverstopplaying ???? @rynong

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Hindi ba siya natutuwa na may respeto pa rin si Jordan sa kanya kahit alam nitong hindi niya ito gusto para sa anak?

Sabi ni Annabelle, “Hindi, wala, masyado siyang too young for Ruffa.

“I’m sure iiwan din niya si Ruffa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle sa pocket presscon ng bago niyang alaga na si Kara Mitzki, sa Viva office, sa may Tomas Morato, Quezon City, noong nakaraang linggo.

NEW TALENT. Tinanggihan na raw dati ni Annabelle ang bago niyang talent na si Kara Mitzki, ang Tanduay 2017 calendar girl.

May ilang taon na raw ang nakararaan mula nang unang lumapit ito sa kanya para magpa-manage, pero hindi niya tinanggap.

Ngayon daw, nang makita niya itong seksing-seksi at ready na, pumayag na rin siyang i-manage si Kara, kahati ang Viva Films.

Ayon kay Annabelle, “Nakikita ko may potential.

“Unang-una, maganda.

“Nakakaarte naman siya, singer naman siya. Tapos, dancer.

“Sa April 8, may major concert siya, first niya yun sa Music Museum.”

PROUD OF TALENT ROSTER. Tuluy-tuloy pa rin naman daw si Annabelle sa pagiging talent manager.

Nagkataon lang na kumpara dati na “inalalako” niya ang mga artistang hawak niya, ngayon daw ay hindi na niya ito ginagawa.

Ayon kay Annabelle, “Nandiyan pa rin naman ang ibang talents ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hawak ko ngayon, hindi ako nag-aalok sa mga producers, hindi ako nagmamakaawa na kunin mo naman.

“Nakakahiya na, di ba?

“Yung mga talents ko, ako ang tinatawagan at automatic na kinukuha, kasi magagaling—sina TJ Trinidad, Jay Manalo, Assunta de Rossi, at yung mga anak ko.

“Actually, si Ruffa ngayon is icon na sa bago niyang career, yung Health and Wellness, ang dami niyang tao.

“Three thousand yata. Hanggang Dubai siya, e.

“May tao siya sa Hong Kong, Bangkok, Dubai.

“May tao siya sa Pilipinas.

“Ngayon, aalis na naman siya papuntang Bangkok, kasi may convention, twenty ang dala niyang trainees.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN