Julia Barretto reveals selos issue with Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto on tampo with Joshua Garcia during her 20th birthday party: "Kasi si Josh ganito siyang tao, ipo-pour niya lahat ng attention niya sa 'yo. So, siyempre 'pag napupunta yung attention niya sa iba... Dapat ako lang yun."


Inamin nina Joshua Garcia, 19, at Julia Barretto, 20, na may mga pagkakataong nagkakatampuhan sila dahil sa selosan.

Pahayag ni Julia, “For example, selos. Siyempre number one talaga, normal naman yun.”

Hirit ni Joshua, “Natatawa ako kapag nagtatampo siya. Gusto niya suyuin siya. Siyempre susuyuin ko naman.”

Magkasamang nakapanayam sina Joshua at Julia sa taped episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong Lunes, Marso 27.

Ayaw sanang magdetalye ni Julia kung sino ang pinagselosan niya dahil “nakakawala ng pride” at “nakakahiya.”

Ngunit kalaunan ay ibinahagi niyang mayroon siyang pinagselosan noong gabi ng kanyang 20th birthday party.

“Nagselos ako nung birthday ko,” pag-amin ni Julia tungkol sa tampuhan nila ni Joshua o Josh kung tawagin ng dalaga.

“Kasi si Josh, ganito siyang tao, ipo-pour niya lahat ng attention niya sa ‘yo.

"So, siyempre pag napupunta yung attention niya sa iba, parang magseselos ka.

“Dapat ako lang yun.”

Hindi tinukoy ni Julia kung sino sa mga dumalo sa kanyang birthday party ang pinagselosan niya.

Pero ayon kay Joshua, hindi nagtagal ang kanilang tampuhan dahil agad nila itong napag-usapan.

Sabi ng binata, "Hindi ko sinasadya yun. Sinuyo ko naman siya hanggang madaling-araw."

Ito rin ang party ni Julia kung saan namataang nag-slow dance sila ni Joshua.


Stories We Are Tracking

Are Joshua Garcia and Julia Barretto an item?
Are Joshua Garcia and Julia Barretto an item?

JOSHUA'S BIRTHDAY GIFT. Wala man silang tuwirang pag-amin tungkol sa estado ng kanilang relasyon, bukas sila sa pagsasabi kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.

Katunayan daw nito ay imbitado si Joshua sa birthday celebration ni Julia na eksklusibo para sa pamilya ng dalaga.

Habang sakay ng kotse papuntang bahay ni Julia ay aminadong kabado si Joshua.

Aniya, “Nakakakaba kasi hindi ko alam kung magugustuhan niya yung stuff toy.

“Tsaka pagdating ko dun, nandudun talaga yung buong familya niya.

"So, nahiya ako. Lakas na lang ng loob.”

Ano naman ang naramdaman ni Julia nang makita si Joshua?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng dalaga, “Nakakakilig kasi siyempre na-appreciate ko yung effort.

"That was my special day. That was my birthday.

“May taping siya nun 'apos dumiresto siya pa siya sa birthday dinner ko.”

Inamin din ni Julia kung gaano niya pinahahalagahan ang pink pig stuff toy na iniregalo ni Joshua.

Nakangiting pag-amin ni Julia, “Katabi ko nga matulog yung stuff toy, e,” sabay sabi kay Joshua, “Hindi mo alam no?”

Kitang-kita ang matamis na pagkakangiti ni Joshua sa sinabi ni Julia at pati na rin sa pagkumpirma ng dalaga na pabor ang pamilya nito sa kanya.

“Sobrang effortless yung bonding ni Josh sa family ko. Ang bilis nilang nag-bond.”

LOLA INDAY APPROVES. Noong Enero ay imbitado rin si Joshua sa 80th birthday ng maternal grandmother ni Julia na si Inday Barretto.

Sobrang fan daw kasi ng ABS-CBN soap na The Greatest Love ang lola niya.

Kuwento ni Julia, “Yes, yung lola ko kasi, they never miss soap opera in a day. Super naging favorite niya si Josh.

“Tapos nung nalaman niyang kasama ko siya sa pelikula, yun lang yung only request niya para sa birthday niya—for Josh to be there.”


Stories We Are Tracking

Julia, Joshua explain their terms of endearment
Julia, Joshua explain their terms of endearment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN