Arnell Ignacio forms charity group composed of showbiz peers

IMAGE Arnell Ignacio Facebook

Arnell Ignacio to friends in showbiz: "Alagaan niyo ang career ninyo kasi there's really a different world outside of show business. Kasi tayo dito, parang ang tagal nating sumaya, ang dami pang hugot."


Siyam na buwan nang nanunungkulan si Arneli Ignacio bilang assistant vice president sa Public Services and Community Relations department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Bukod sa charitable projects na pinangangasiwaan ni Arnell sa Pagcor, bumubuo rin daw siya ng isang grupo na mga kapwa-artista na wiling na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Katuwang niya sa pagbubuo ng grupo ang matalik niyang kaibigan na si Ai-Ai delas Alas.

May mga pangangailangan daw kasing hindi kailangang idaan pa sa Pagcor.

Tinawagan nga raw niya si Ai-Ai nang may isang taong humingi ng tulong sa kanya para makapagpaopera. 

Kaagad daw nag-pledge ang Comedy Queen ng P70,000 para dagdag-tulong.

Saad ni Arnell, “Meron talagang lumalapit na immediate ang pangangailangan, yung ngayon, as in ngayon na. 

“Hindi kita kasi puwedeng bigyan, kasi gusto ko.

“Kailangan meron kang dokumento sa akin na sumulat ka na humihingi ng tulong. 

“Kailangan yun, isa-submit namin yun sa Commission on Audit. 

“Kung ako lang masusunod, e, di pinagtuturo ko na lang ang mga kakilala ko.

"Yun ang purpose nun."

Patuloy niya, “So, meron kaming binubuong grupo na isa-submit ko sa kanila ang sitwasyon kung sino man yung humihingi ng tulong.    

“Kasama diyan si Gretchen Barretto, and sana sina Willie [Revillame]... kung sino mang gusto pang tumulong.

“We cannot ask donations kasi hindi puwede yun.”

SIMPLE NEEDS. Ayon pa kay Arnell, kung mabubuo ang grupo, gusto niyang i-manage ang coordination sa pagbigay ng tulong. 

Hindi raw kasi ganun kadaling lapitan ang mga artistang gustong tumulong. 

At hindi rin daw lahat ng oras ay puwedeng lapitan ang mga ito para hingan ng tulong.

“Hindi naman puwedeng ganun pa rin lagi ang kanyang mood. 

“Nagtatrabaho ang tao, bibigyan mo siya ng problema, akala mo masungit siya. Siyempre i-timing mo.

“Kaya ako, i-submit ko sa kanila kung ano yung kailangan, ‘Sige, balikan mo ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo kung sino ang tutulungan mo, meron kaming ginagawang evaluation.” 

Marami raw natutunan at napagtanto si Arnell sa pag-iikot niya sa iba’t ibang lalawigan na pinapadalhan ng tulong ng Pagcor.

Ilan sa mga proyektong pinapangisawaan ni Arnell ay ang pagpapatayo ng school buildings sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakapagpatayo na raw sila ng 4,400 classrooms sa 716 sites, at mahigit na 200 classrooms pa ang tinatapos nila.

Umaapela ang actor-comedian sa mga kapwa-artista dahil marami raw sa mga disadvantaged ay napakasimple lang ng mga pangangailangan.

Malayo raw sa mga pinuproblema ng mga taga-showbiz.

Pahayag niya, “Kaya mga taga-showbiz, kung anong meron kayo ngayon, huwag na kayo magdadala ng hugot ng kung ano mang problema ninyo.

“Alagaan niyo ang career ninyo, kasi there’s really a different world outside of show business.

“Kasi tayo dito, parang ang tagal nating sumaya, ang dami pang hugot.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN