Toni Gonzaga reveals reason for simple dedication of Baby Seve

IMAGE Noel Orsal

Toni Gonzaga on her worries as a mother: "Parang for the rest of your life, you're responsible for the welfare of that baby or that person. Yung paglaki niya, lahat yun magre-reflect sa magulang. Yun lang siguro ang iniisip ko, na sana lumaki siya nang maayos, marespeto sa mga nakatatanda sa kanya, sa mga magulang niya, at may takot sa Diyos."


Hindi gaya ng ibang celebrity babies na binibinyagan, mas intimate ang naging dedication ng panganay na anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano na si Baby Seve.

Ayon kay Toni, dapat sana ay sa isang events place gaganapin ang dedication ng kanilang six-month-old baby.

Ngunit dahil na rin sa magandang suggestion ng kanyang mga magulang, mas pinili ng mag-asawa na gawin ito sa Methodist Church sa Taytay, Rizal, kung saan sila ikinasal.

Lahad ni Toni, “Originally, hindi talaga doon ang plano.

"It's supposed to happen in an events place.

“Kaya lang, sabi ng mommy and daddy ko, 'Why not do it in a place na memorable sa inyong dalawang mag-asawa?'

"Napili namin doon sa church sa Taytay kung saan kami kinasal at kung saan din ako bininyagan."

Hindi rin daw sila kumuha ng maraming ninong at ninang para sa kanilang panganay na anak.

Sabi ng Kapamilya TV host-actress, “Kapatid ko [Alex Gonzaga] at kapatid ni Paul, maliit lang.

“Kasi, ang paniniwala talaga namin ni Paul, being a ninong and a ninang is such a big responsibility.

“If anything happens to us, family member ang mag-aalaga sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa set ng The Voice Teens noong Biyernes, March 24.

NEW WORRIES. Aminado si Toni na nang maisilang niya si Baby Seve, nag-iba ang kanyang pananaw sa buhay at ang mga inaalala niya.

Kung dati ay pansariling kapakanan ang kanyang iniisip, ngayon ay puro tungkol na sa anak niya.

Pahayag ni Toni, “Well, na-overcome ko na yung biggest fear ko nung manganak.

“Ngayon, siguro hindi na fear. Ang worry ko lang kasi, iba na pala yung or human na nanggaling sa 'yo.

“Parang for the rest of your life, you're responsible for the welfare of that baby or that person.

“Yung paglaki niya, lahat yun magre-reflect sa magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang siguro ang iniisip ko, na sana lumaki siya nang maayos, marespeto sa mga nakatatanda sa kanya, sa mga magulang niya, at may takot sa Diyos.”

BABY NO. 2? Ngayong unti-unti nang nakaka-adjust si Toni sa pagiging ina, handa na ba siyang masundan agad si Baby Seve?

Nakangiting sagot ni Toni, “Huwag muna!”

Pagkatapos nito ay ikinuwento niya ang kanyang isang panaginip.

“Kanina nga, sabi ko kay Paul, 'Paul, nanaginip ako, buti nagising agad ako. Ginising ko talaga yung sarili ko. Nanaginip ako na buntis daw ako!'

“Sabi ko, 'Anim na buwan pa lang si Seve, bakit buntis na naman ako?'

“Buti na lang panaginip lang! Panaginip lang.”

Sa ngayon, nais daw muna ni Toni na maka-recover sa "sleepless nights" dahil sa pag-aalaga kay Baby Seve.

“Grabe, anim na buwan na akong walang tulog.

“Matutulog na lang muna ako siguro kapag naka-recover na.

“Siguro two to three years, kung kaya four years!

“Talagang ire-recover lang muna,” sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN