Kiefer Ravena remains mum on alleged photo scandal; becomes inactive in social media

IMAGE @kieferravena15 on Instagram

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Kiefer Ravena tungkol sa diumano'y 'sexting' scandal. Kalat na sa social media ang screenshots ng kanilang diumano'y usapan at pagpapalitan ng nude photos sa Viber ng hindi pa nakikilalang babae. 


Dalawang linggo nang hindi aktibo ang basketball star na si Kiefer Ravena sa social media, mula nang masangkot ito sa diumano'y 'sexting' scandal.

Ang ‘sexting’ ay ang tawag sa pakikipagpalitan ng malalaswang mensahe at larawan gamit ang anumang uri ng digital device.

Noong nakaraang linggo ay nag-viral sa social media ang palitan umano ng mensahe ng Alab Pilipinas player at ng isang hindi pa nakikilalang babae sa Viber.


Stories We Are Tracking

Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online
Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online
Alyssa Valdez, Kiefer Ravena in a relationship
Alyssa Valdez, Kiefer Ravena in a relationship
Alyssa Valdez congratulates Kiefer Ravena on his graduation
Alyssa Valdez congratulates Kiefer Ravena on his graduation

SECOND SET OF VIBER CONVERSATION. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang huling mag-post ni Kiefer sa Instagram.

Noong March 12 naman ang huling status update niya sa Twitter.

You know life is what we make it, and a chance is like a picture, it’d be nice if you just take it.

A post shared by NBA D League Texas Legends (@kieferravena15) on

Kahit patuloy siyang bina-bash ng mga tagahanga nila ng girlfriend na si Alyssa Valdez, nananatiling tahimik si Kiefer at ang kanyang kampo tungkol sa kontrobersiya.

Ayon sa mga naglabasang screenshots ng Viber conversation umano ni Kiefer at ng di pa nakikilalang babae, nangyari raw ang ‘sexting’ ng dalawa noong Valentine’s Day.

Kasalukuyang nasa Thailand daw noon ang basketbolista upang suportahan ang girlfriend sa training nito ng volleyball para sa team ng 3BB Nakornnont, na nakabase sa naturang bansa.

Base rin sa mga kumalat na screenshots ng palitan ng mensahe ni Kiefer at ng babae, tila nagpapalitan sila ng larawan ng kanilang private parts.

Sa isa pang screenshot, mukhang may anak na ang babae dahil sa paglalarawan ni Kiefer sa larawang ipinadala niya rito. 

THE MYSTERY GIRL. Base naman sa conversations ng ilang netizens sa Twitter, dati raw cover girl ng isang men’s magazine ang babaeng kapalitan ng mensahe ni Kiefer.

May nagbanggit din ng pangalan ng babae, ngunit minabuti ng PEP.ph na huwag munang banggitin sa artikulong ito hangga't hindi siya sumasagot sa mensaheng ipinadala namin kahapon, March 27.

Sa isang usapan nila ni Kiefer, tila taga-Laguna ang babae, base na rin sa lugar na kanyang binanggit kung saan siya nakatira.

Sabi naman ng ilang nagkomento, mukhang may katotohanan daw ang nasabing ‘sexting’ scandal dahil sa patuloy na pananahimik ng dating Ateneo Blue Eagles star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa maaaring ihayag ni Kiefer at ang iba pang sangkot sa usaping ito. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN