Indie actor Kiko Matos admits past battle with drugs

IMAGE Noel Orsal

Kiko Matos on his past struggle with drugs: "Iba ang hitsura ko nun. Ang payat ko nun. Hindi rin maganda ang takbo ng pag-iisip ko, kasi medyo sabaw, mababaw ang proseso."


Hindi itinanggi ng indie film actor na si Kiko Matos na tumikim at nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot noong kabataan niya.

Saad niya, “I won’t deny it. As a person growing up, maraming temptations.

“I was hooked when I was a teenager, when I was in business world.

“Ecstasy… hindi naman shabu, mostly ecstasy, party-party.

“Then you grow up, you’ll be responsible, you get work.”

Ngunit itinigil din daw niya ito dahil sa isang nakasama sa nasabing bisyo.

Lahad ni Kiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I think when I was 18, 19, sobrang payat ko nun, 2008-2009.

“May nakita akong 30-year-old, nakakasama ko na nakaka-jamming ko.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Pag ipinagpatuloy ko ito, ganito ang mangyayari sa akin.’ Yun ang turning point.

“Nung nakita ko siya, naisip ko, ‘Siya 30-year-old na, ano ang nangyayari sa kanya?’

“Tapos sabi ko, nakakahiya naman kung ipa-rehab ko ang sarili ko, hindi naman ako ganun kalala.

“Lumayo na lang ako sa mga taong yun.”

Ano ang dahilan kung bakit siya gumamit ng illegal drugs?

Ayon kay Kiko, “Ang puno’t dulo rin nun, naglayas ako ng bahay, tapos influence ng mga taong nakapaligid sa iyo.

“Nasa showbiz ako nun pero walang-wala akong ginagawa.

“Naglayas ako, hindi rin ako nag-aaral.”

Nakaranas ba siya ng tinatawag na withdrawal syndrome nang itigil niya ang paggamit ng drugs?

Tugon niya, “At that time, I couldn’t define what is withdrawal syndrome, e.

“Siguro nagkaroon din ako, pero hindi naman ganun kahirap.

“Ang sa akin din naman, hindi ko masabi kung talagang lulong na lulong ako.

“Pero ang masasabi ko, iba ang hitsura ko nun. Ang payat ko nun.

“Hindi rin maganda ang takbo ng pag-iisip ko, kasi medyo sabaw, mababaw ang proseso.”

BARON GEISLER. Kasama si Kiko sa upcoming indie film na Bubog na idinirek ni Arlyn dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging kontrobersiyal ang pelikula dahil sa insidenteng nangyari sa pagitan nina Baron Geisler at Ping Medina sa shooting.

Bagamat wala sa script, inihian ni Baron si Ping sa isang eksena na ginagawa nila.

Dahil sa insidente ay parehong pinalitan sina Baron at Ping sa pelikula.


Stories We Are Tracking

Baron Geisler earns ire of Ping Medina
Baron Geisler earns ire of Ping Medina
Ping admits to slapping Baron after urination incident
Ping admits to slapping Baron after urination incident
Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler
Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler
PAMI inhibits its artists from working with Baron Geisler
PAMI inhibits its artists from working with Baron Geisler

Ayon kay Kiko, nanghihinayang siyang hindi natuloy ang pagsasama nila ni Baron sa isang proyekto.

“Nakakapanghinayang kasi akala ko makakasama ko na siya sa isang movie.

“Pero life goes on, hindi ko rin mapipigilan kung ano ang mangyayari.

“Looking forward to the next time na makapagtrabaho kami.”

Dagdag niya, “I talked to him, nung kainitan nung nangyari yung kay Ping.

“I wanted to talk to him, pero iwas siya, e.”

Hindi raw siya nangangambang makatrabaho si Baron, sa kabila ng mga balita tungkol dito.

Saad ni Kiko, “Yes, hindi naman nagbago ang perception ko, e.

“Alam naman natin kung ano siya, e.

“Una sa lahat, masaya kung magkasama kami.

“Kumbaga, I’m willing to face whatever may happen kasi, una sa lahat, hanggang sa tuktok ng bundok pa kami nagkita dun sa amin… sa issue namin.

“Ang layo ng narating sa issue namin, kung mangyari man yun uli, I’m willing to take the risk.”

SOCIAL EXPERIMENT. Ang tinutukoy ni Kiko ay ang away nila sa isang bar na nauwi sa mixed martial arts match.

Ngunit kalaunan, nadiskubreng isa lamang itong social experiment at bahagi ng isang documentary film.


Stories We Are Tracking

Kiko Matos tags docu with Baron as
Kiko Matos tags docu with Baron as "social experiment"
Baron-Kiko fight revealed to be part of docu film
Baron-Kiko fight revealed to be part of docu film
Baron, Kiko settle for unanimous draw in MMA fight
Baron, Kiko settle for unanimous draw in MMA fight
Baron Geisler involved in altercation with indie film actor
Baron Geisler involved in altercation with indie film actor

Pero ang gagawin niya kung sa kanya ginawa ni Baron ang ginawa nito kay Ping?

Mabilis na sagot ni Kiko, “Rematch.

“Honestly, sa mga panahon ngayon na tapos na yung issue, magwa-one year na yung sa amin ni Baron, nakaka-miss din yung kami magkaaway.

“Kasi nung mga panahon na magkaaway kami, ang saya, mayroon kang ina-anticipate na laban, e.

“Pag nagkita kami, lagi kaming magka-clash ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano ang pakiramdam niya nung kasagsagan ng scripted na away nila ni Baron?

Ayon kay Kiko, “Well, may halong takot and excitement, kasi kung anu-ano rin ang sinasabi ng mga tao, e.

“Maraming bashing left and right, maraming threats.

“Pero once na ma-experience mo yun, yung nakita mo siya from different perspective, kahit naba-bash ka, you just have to learn to rise up from it, e.

“Kumbaga, nandiyan sila, e, iba-bash ka, oo, pero nasa sa iyo yun kung paano mo siya tatanggapin.”

Idinepensa rin ni Kiko ang ginawa nilang social experiment ni Baron, kung saan pinaniwala nila ang publiko na totoo ang kanilang away.

Pahayag niya, “Sa akin, I’m open, pero I don’t think it falls to us actors na nanloloko.

“I think it falls to the viewers, that social experiment, there’s reason behind that.

“The main objective is maraming nababalita sa TV, maniniwala ka ba?

“Sa amin lang, raising awareness lang din na maraming nababalita sa TV, maniniwala ka ba?

“Mayroong mga balita na fake, mayroong totoo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN