Iñigo Pascual says malicious comments won't stop him from being affectionate to dad Piolo

IMAGE Mark Atienza

Iñigo Pascual says he won't change the way he treats his dad, Piolo Pascual, just because of what other people say. In fact, the two were seen being affectionate towards each other after the red-carpet screening of Northern Lights yesterday, March 28.


Hindi apektado si Iñigo Pascual sa bashers ng viral kissing video nila ng amang si Piolo Pascual.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo pagkatapos ng premiere ng Northern Lights: A Journey To Love kagabi, March 28, sinabi nitong hindi niya problema kung ano ang iisipin ng iba sa pagpapakita niya ng pagmamahal sa ama.

Saad niya, “Siguro sa akin, comment ko na lang dun, sa akin, hindi negatibo na kung sa mata ng ibang tao ay malisyoso yun, hindi na namin problema yun.

“Dahil hindi naman namin pag-iisip yung sa mga tao na malisyoso ang pag-iisip. Sila na yung may problema.”

Pagpapatuloy niya, “At saka hindi ko babaguhin yung trato ko sa mga parents ko, sa grandparents ko, sa sinuman dahil sa sinasabi ng ibang tao.

“Siguro, whatever they think is right for themselves, do it.

"But I just won't acknowledge yung mga hate na binibigay nila sa amin."

Sa katunayan, gusto raw ni Iñigo na maging inspirasyon ang nasabing video para sa kabataan para hindi magbago ang trato sa kanilang mga magulang dahil lang tumanda na ang mga ito.

Pagbabahagi niya, “Para sa akin siguro, I’ll make it more of an inspiration to the generation na kahit matanda ka na, dapat hindi mo baguhin yung trato mo sa parents mo dahil hindi mo alam kung kailan mawawala yung loved ones mo.

“You gotta show the love. At saka hindi masama maging physically expressive for your love for your parents.”

Sa katunayan, nakuhanan pa si Iñigo na yumakap sa kanyang ama pagkatapos ng screening ng Northern Lights sa SM Megamall kagabi.





Una nang nagpahayag si Piolo tungkol sa video nila noong huling presscon na ginanap para sa Northern Lights noong March 20.

Ang sabi niya, "It’s a blessing kung ginagawa sa akin ng anak ko yun, kasi ganun ako pinalaki ng magulang ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Interview by: Allan Sancon


Stories We Are Tracking

Piolo, Iñigo hit back at bashers of viral kissing video
Piolo, Iñigo hit back at bashers of viral kissing video
Yen Santos defends Piolo Pascual against malicious comments
Yen Santos defends Piolo Pascual against malicious comments
Piolo on son Iñigo being affectionate:
Piolo on son Iñigo being affectionate: "It's a blessing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN