Yen Santos answers rumors linking her to director, politician; denies having a kid

IMAGE Noel Orsal

Yen Santos on rumors about her: "Wala, parang nagsisimula pa lang ako, nakadikit na po yung mga isyung 'yan sa akin. Siyempre, may mga umaaligid, hindi naman yun maiiwasan. Pero siyempre, kailangan, hindi po talaga."


Inuugnay ang Kapamilya actress na si Yen Santos sa direktor niya sa pelikulang Northern Lights: A Journey To Love na si Dondon Santos.

Ito raw ang dahilan kung bakit si Yen ang napiling gumanap bilang leading lady ni Piolo Pascual sa pelikula.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng aktres, lalo pa’t may asawa na si Direk Dondon.

Ayon kay Yen, may naririnig siya tungkol sa pag-uugnay sa kanila ng direktor pero hindi raw niya ito pinapansin.

“E, kasi, nakakahiya naman po. Si Ate Bebeth [Dondon’s wife], nasa Showtime.

“Wala talaga, diretso,” giit niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero bakit tila hindi namamatay ang isyu sa pagitan nila ni Direk Dondon?

Sagot ni Yen, “Talaga ba?

“Ngayon lang nga po dumating ‘yan sa akin. Kayo lang po ang nag-open up.

“Ako, naririnig ko na, pero siyempre dedma ako. 

“Parang siyempre, para sa akin, trabaho lang talaga.”

Sa hiwalay na panayam ay tinanong si Direk Dondon kung crush ba niya si Yen dahil ito ang napiling maging leading lady ni Piolo.

Sagot ng direktor, may asawa na siya at parang anak lang ang tingin niya kay Yen.


Pagsang-ayon ng aktres, “Yun na nga po, yun na nga rin po ang sinasabi ko ngayon kaya rin po.”

Kumusta sila ng misis ni Direk Dondon?

“Nag-meet kami isang beses sa Showtime. Sabi ko, ‘Hi Ate Bebeth.’”

Head writer ng It’s Showtime ang misis ni Direk Dondon.

Hindi ba sila naaapektuhan na may mga ganung kumakalat na isyu sa kanila?

Sagot ni Yen, “Hindi po, tinatawanan lang namin.

“Actually, isang beses kinsausap ko siya, sabi ko, ‘Ano ba 'yan, ‘Direk, nara-writeup tayo. Nakakahiya.’

“Tapos, natatawa lang po kami. Hindi naman po big deal sa aming dalawa.”

POLITICIAN. Bukod kay Direk Dondon, nali-link din si Yen sa isang pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lumabas ding isyu na may karelasyon daw siyang congressman.

“Sino daw?” natawang tanong ni Yen.

Biro pa niya, “Dati kasi governor, ngayon naman congressman. Baka susunod, senator na!”

Nakakarating pala sa kanya ang mga ganung isyu. Paano niya ito naha-handle?

Ayon kay Yen, “Wala, parang nagsisimula pa lang ako, nakadikit na po yung mga isyung ‘yan sa akin.

“Siyempre, may mga umaaligid, hindi naman yun maiiwasan. 

“Pero siyempre, kailangan, hindi po talaga.”

May nanligaw sa kanyang pulitiko?

“Dati, dati po talaga. Pero wala, wala talaga.”

RUMOR HAS IT. Bukod sa mga isyu ng pagli-link sa kanya sa direktor at pulitiko, may balita ring may dalawang taong gulang na raw siyang anak.

Mabilis din itong itinanggi ni Yen.

Aniya, “Hindi po totoo ‘yan.

“Uulitin ko, kapatid ko po siya, and three years old po siya.

“At huwag na po natin siyang idamay kasi bata naman po siya.

“Pero kapatid ko po yun.

“Dalawa lang po talaga kaming magkapatid, tapos may humabol pa nga po.

“Malaki lang po ang age gap namin.”

Kung sakali man may anak siya, hindi raw niya ito itatago.

Pahayag ni Yen, “Hello, bakit ko naman itatago, di ba?

“Kahit sa Instagram, panay naman po ang post ko.

“Saan ko naman ilalagay yun, di ba?

“Hindi rin naman po maiiwasang sabihing anak ko dahil ang layo nga po ng gap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN