Kiefer Ravena breaks silence on alleged photo scandal

IMAGE @kieferravena15 on Instagram

Medyo sanay na raw si Kiefer Ravena sa intriga kaya pinili nitong huwag nang pansinin pa ang panibagong isyung kinasasangkutan niya. Naka-focus daw siya ngayon sa pagpa-practice para sa nalalapit nilang laban sa Singapore. 


Hindi raw apektado ang basketbolistang si Kiefer Ravena sa mga naglabasang nude photos umano niya, pati na ang ‘sexting’ scandal na kinasasangkutan niya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong Miyerkules, March 29, sinabi ni Kiefer na naka-focus siya ngayon sa ASEAN Basketball League (ABL) bilang bahagi ng team Alab Pilipinas.

Pahayag niya, "Nothing, really. I'm trying to focus on the task at hand, and that is to get the ABL championship back to the Philippines."


Stories We Are Tracking

Kiefer Ravena remains mum on alleged photo scandal
Kiefer Ravena remains mum on alleged photo scandal
Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online
Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online
Kiefer slams basher for spreading lies about him and Alyssa
Kiefer slams basher for spreading lies about him and Alyssa

Dagdag pa ni Kiefer, parang nasanay na siya sa mga ganitong klaseng intriga. Hindi kasi ito ang unang pagkakataong nasangkot siya sa ganitong klaseng kontrobersiya.

Pebrero 2016 ay may kapareho ring scandal issue na kinasangkutan si Kiefer. 

Saad pa ng dating Ateneo Blue Eagles star, "Siguro, nasanay ka na rin lang na palaging may ganoon.

"I don't know if that's a good thing or a bad thing, but it is what it is."

Idinadaan na lang daw niya sa pagpa-practice ang mga nasabing intriga.

Aniya, “Just focus on what's important, which is the team right now.

"Tinutulungan lang ako ng mga kaibigan ko to fine-tune everything, and everything will be okay in the end.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN