UPDATED. Kiefer Ravena cries extortion over alleged viral nude photos; suspect arrested

IMAGE @kieferravena15 on Instagram

Kiefer Ravena on biggest lesson he learned from this controversy: "Siguro, mag-ingat. Hindi lang doble ingat kundi triple ingat, lalo na mundo ng social media."


Biktima ng extortion ang Alab Pilipinas star na si Kiefer Ravena.

Ito ang alegasyon ng basketball star kaugnay ng diumano’y maeskandalosong mga larawan niya na nag-viral sa social media nitong nakaraang linggo.

Sa naunang pahayag ni Kiefer sa panayam nito sa ABS-CBN News Online, ipinagkibit-balikat lamang niya ang mga intrigang kinakaharap dahil sanay na raw siya sa mga ito.


Stories We Are Tracking

Kiefer Ravena breaks silence on alleged photo scandal
Kiefer Ravena breaks silence on alleged photo scandal
Kiefer Ravena remains mum on alleged photo scandal
Kiefer Ravena remains mum on alleged photo scandal
Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online
Kiefer Ravena's alleged photo scandal leaked online

Ngunit ngayong Miyerkules ng hapon, Marso 29, naglabas si Kiefer at ang kanyang kampo sa media ng isang official statement.

Dito ay sinabi niyang kaya siya nanahimik ng ilang linggo dahil isinangguni ng kanyang mga magulang sa pulisya ang isang taong nagbantang ikakalat sa social media ang mga larawan niya kapalit ng salapi.

Pinangalanan niya ang taong nagbanta diumano sa kanya na si Kristoffer Monico Ng.

Bahagi ng statement ni Kiefer: “Today, the PNP Anti-Cybercrime Group conducted an entrapment operation on Kristoffer Monico Ng, who threatened to ‘leak’ photos and tried to extort money from us.

“We’ve been silent the past couple of weeks because my parents have been consulting with law enforcement to get to the bottom of this matter.”

Saad pa sa satement, “According to police, Mr. Ng will be charged with robbery and extortion, and could face a minimum of 12 to a maximum of 20 years in prison.

“Now that we have the first suspect under the PNP’s custody, we hope to get more leads and information so justice will be served, and harassment and blackmailing such as this would end.”


“TRIPLENG PAG-IINGAT.” Samantala, sa panayam ng News 5 kay Kiefer ngayong gabi, sinabi niyang ang natutunan niya sa isidenteng ito ay "tripleng pag-iingat."

Sabi ng basketbolista, “Siguro, mag-ingat. Hindi lang doble ingat kundi triple ingat, lalo na mundo ng social media.”

Sa ulat naman ng ABS-CBN News, inamin ni Ng na nag-offer siya ng impormasyon kapalit ng pera, ngunit itinanggi niyang siya ang nagpakalat ng mga larawan sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay ng pagkalat ng diumano’y mga hubad na larawan ni Kiefer ay nag-viral din ang screenshots ng private conversation niya umano sa Viber sa isang hindi pa nakikilalang babae.

Maselan ang ilang bahagi ng kanilang usapan, kung saan nagpalitan din daw ang dalawa ng larawan ng mga pribadong bahagi ng kanilang katawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN