Tumutok ngayong Linggo, Agosto 22, sa Sharon kung saan madamdaming ia-announce ni Megastar Sharon Cuneta ang pamamaalam sa kasalukuyang self-titled program niyang naghatid ng saya sa bawat pamilyang Pilipino linggu-linggo.
Ang Sharon ay nagtagal sa ere ng apat at kalahating taon, at mapapanood pa ng ilang linggo. Sa Linggo ay idedetalye na ng Megastar ang tungkol sa bago niyang programang dapat abangan sa Kapamilya network.
Manood ng Sharon, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.