Pia Wurtzbach's manager Jonas Gaffud confronts News5 reporter at an event

IMAGE Laila Chikadora on Facebook / @jonasofmercator on Instagram

Kinumpronta ni Jonas Gaffud (kanan), manager ni Pia Wurtzbach, ang TV5 reporter na si Laila Chikadora (kaliwa) sa isang event kagabi, March 29. Nag-ugat ito nang tanungin ni Laila si Pia sa isang event noon tungkol sa balitang may mga anak na diumano ang boyfriend ng dating Miss Universe na si Marlon Stockinger.


Nakaranas diumano ng pambabastos ang News5 reporter na si Laila Chikadora mula sa talent management executive na si Jonas Gaffud.

Si Jonas ang presidente ng Mercator Model Management, Inc., na namamahala sa career ng beauty queens at top models sa Pilipinas.

Kabilang sa contract artists ng Mercator ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang nakasaksi ng pangyayari, itinaboy raw si Laila ng entourage ni Pia sa viewing party ng Asia’s Next Top Model Season 5, na ginanap sa The Palace Pool Club, nitong Miyerkules ng gabi, March 29.

Nagkaroon daw ng tensiyon sa red-carpet event dahil gusto ni Jonas na umalis si Laila sa venue, bagamat imbitado siya ng organizer ng event bilang kinatawan ng News5.

Pagkatapos ilabas sa PEP Alerts ang insidenteng nangyari kagabi, nagpadala ng mensahe si Laila sa PEP upang ilahad ang kanyang panig.

Ayon sa News5 reporter, noong dumating si Pia sa venue ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan upang bigyan ng instruction ang kasamang cameraman.

Salaysay niya, “Tumayo lang ako at lumapit sa cameraman ko, kasi may gusto akong ipagawa na shot sa kanya habang naka-pose si Pia sa tarp.

“Nilapitan ako ng taga-Star World, ang sabi, ‘No interviews.’  

"Sabi ko, ‘Kahit po sa Asia’s Next Top Model?’

“Sabi ni Star World, ‘Hindi po talaga puwede.’

"So, sabi ko, ‘Okay.’"

Ang Star World ang cable channel kung saan ipinapalabas ang Asia’s Next Top Model Season 5.

Si Pia naman ay special guest judge sa naturang reality-competition show.

Pagkatapos daw nito ay biglang sinugod ni Jonas si Laila.

Kuwento ni Laila, “Sabi niya, ‘Ikaw, lalapit ka na naman! Magtatanong ka na naman! Ikaw din yung sa Downy.

"'Bastos ka! Sinabi nang tungkol sa women empowerment lang kung anu-ano na ang tinanong mo.’

“Sinagot ko siya nang mahinahon. Sabi ko, ‘I apologize but it was a 'for clarification' question.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, mas nilakasan niya ang boses niya.

"Sinabi niya [Jonas] sa Star World, ‘You kick her out of this event or else, kami ang aalis! Palayasin niyo ‘yan! Palayasin niyo ‘yan!’"

Patuloy niya, “Star World [staff] held my shoulders lightly and said, ‘No, Miss Laila, you are not leaving! You will just keep your distance but you are not leaving.’”

Ang espekulasyon ng showbiz insiders, nag-ugat ang tensiyon sa magkabilang kampo nang tinanong ni Laila si Pia sa isang event noon tungkol sa diumano’y anak sa pagkabinata ni Marlon Stockinger.

Si Marlon ay isang international race car driver at kasalukuyang nobyo ni Pia.

Bagamat halatang nagulat noon si Pia sa tanong sa kanya, sinagot pa rin niya ito nang mahinahon.

Read: Pia Wurtzbach reacts to rumor that BF Marlon Stockinger has fathered twins from a previous relationship

Nagpadala ang PEP ng mensahe kay Jonas upang kunin ang kanyang panig kaugnay ng mga akusasyon ni Laila, ngunit tumanggi siyang magbigay ng opisyal na pahayag.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Jonas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN