Inah de Belen on relationship status with Jake Vargas: "Basta masaya kami."

IMAGE Inah de Belen Instagram

Inah de Belen on Jake Vargas: "Sobrang magalang niya sa lahat at wala siyang bahid ng yabang at all, as in. Sobrang bait niya at saka sobrang gentleman niya."


Hanggang ngayon ay wala pang inaamin sina Inah de Belen at Jake Vargas tungkol sa napapabalitang relasyon nila.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa taping ng Encantadia kamakailan ay inusisa namin siya tungkol sa kanila ni Jake.

“Hindi, ano po, kami ni Jake, we’re just enjoying each other’s company!” natatawang paglalarawan niya sa estado ng kanilang relasyon.

Bakit marami ang nagsasabing sila na?

“Kapag kami po, malalaman niyo rin!” tawa pa rin niya.

Nang hiritan siya muli ng entertainment press, tila hindi na malaman ni Inah kung paano sasagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Jake.

Sambit pa niya, “Bakit parang uminit ang buong katawan ko?”

Ayon sa usap-usapan, apat na buwan na raw ang relasyon nila.

Sagot ni Inah dito, “Siguro, siya na lang ang sumagot. Basta masaya kami.”

Ano ang mga nagustuhan niyang katangian ni Jake?

Ayon kay Inah, “Si Jake kasi, sobrang bait.

“Sobrang magalang niya sa lahat at wala siyang bahid ng yabang at all, as in.

“Sobrang bait niya at saka sobrang gentleman niya.”

Nagsimula ang kung anumang namamagitan kina Inah at Jake nang magkasama sila sa afternoon soap na Oh, My Mama! noong huling bahagi ng 2016.

Muli silang nagkasama sa Encantadia, ngunit namatay na ang karakter ni Jake bilang si Gilas.

Makakaligtas kaya sina Luna at Gilas sa mga Etherian? Mamaya sa #EncantadiaKagustuhan

A post shared by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on

THE EX-GIRLFRIEND. Dahil nasa iisang network na sila, nakilala na ba ni Inah ang ex-girlfriend ni Jake na si Bea Binene?

Aniya, “Well, I've met her, kasi nag-QTV 11 ako before.

“So, noong StarStruck Kids pa siya. Sobrang tagal na nun.

“Kapag nagkikita kami, hi and hello naman.”

Hindi pa sila ulit nagkikita?

“The last time I saw her, nag-social meeting kami.

“But when I see her, I say hi, hello.

“At saka, past naman yun. It's not my business anymore.”

MEET THE PARENTS. Nakilala na raw ng ina ni Inah na si Janice de Belen si Jake. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang pagkikita nila?

Sabi ni Inah, “Okey naman, pati yung sister ko na-meet na niya. I met her ate na rin.”

Posibleng nakilala na rin ni Jake ang ama ni Inah na si John Estrada, dahil nabanggit ng dalaga na magkikita ang dalawa nang makausap namin siya sa taping ng Encantadia.

Pareho nang nasa bakuran ng GMA Network si Inah at ang kanyang ina na si Janice.

May balitang posible rin daw lumipat sa Kapuso network ang daddy niyang si John. Pero sa ngayon ay may bago itong teleserye sa Kapamilya network.

Reaksiyon dito ni Inah, “Alam mo, narinig ko din yun.

“Wala pa siyang nasasabi sa akin, but I think he's open to it.

“But if he does, e, di masaya, kaming tatlo magkakasama rito.”

Gusto niya magkasama silang tatlo sa isang proyekto?

“Sa isang project? Parang hindi ko pa rin kaya!” sagot ni Inah.

“Nanay ko pa lang, hindi ko na kaya. 

“Siyempre, magagaling sila. They have made their names na.

"So, feeling ko, maku-concious ako."

Bakit hindi niya kaya?

“Maiilang ako, e,” pag-amin niya.

“Actually, there's one time nga, Oh, My Mama!, nanonood ako sa bahay lang.

“Bigla siyang pumasok sa kuwarto. In-off ko talaga ang TV. Hindi ko kaya talaga.

“Siguro, if she's watching me sa kuwarto niya na hindi ako kasama, kaya ko.

“What more pa kaya kung magkasama kami sa isang project? Hindi ko alam, e.

“Siyempre magaling siya, nag-i-start pa lang ako.

“Basta, ayoko talaga for now.

“In the future, siyempre naman, open ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN