Daniel Padilla clarifies answer about Sarah Geronimo as possible leading lady

IMAGE Noel Orsal

Daniel Padilla on why he mentioned Sarah Geronimo as possible leading lady: "Unang-una, napakabait. Walang malisya. Ano lang yun, siya ang pinaka-safe na makatrabaho dahil napakabait. Pero siyempre, kailangan ko rin magpaalam kay Matteo, kung sakali lang."


Nahihiya raw si Daniel Padilla kay Matteo Guidicelli dahil sa naglabasang komento na puwede rin palang itambal ang tinaguriang Teen King sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos mag-duet sina Daniel at Sarah sa ASAP ng ABS-CBN.

Sabi ni Daniel, “Nakakahiya kay Matteo.

“Itong si Kathryn inano pa… pero wala naman, hindi naman yun parang ano.

“Ano lang naman yung kay Ms. Sarah, pinagkanta kami. Parang ganun.”

Si Matteo ang boyfriend ni Sarah; habang si Kathryn Bernardo naman ang ka-love team at rumored girlfriend ni Daniel.

Kung sakali, gusto niyang makatambal si Sarah?

Tugon ni Daniel, “Naku, depende ho ‘yan sa ano… kung sa tingin nila ay tama at sa tingin nila maganda, walang problema sa akin.

“Hindi naman ako namimili kung sino ang ka-partner ko.”

Nilinaw rin ni Daniel na tinanong lang naman siya kung sino pa ang gusto niyang makatambal, bukod kay Kathryn.

“Tinanong lang ako and, sa lahat, si Ms. Sarah ang pinaka-safe na makapa-partner.

“Unang-una, napakabait. Walang malisya.

“Ano lang yun, siya ang pinaka-safe na makatrabaho dahil napakabait.

“Pero siyempre, kailangan ko rin magpaalam kay Matteo, kung sakali lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa presscon ng pelikulang Can’t Help Falling In Love, na ginanap sa Villa Immaculada Events Place, sa Intramuros, Manila, nitong Huwebes, March 30.

Magkakasama sina Daniel, Kathryn, at Matteo sa pelikulang ito na iprinodyus ng Star Cinema.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo excited to do movie with Daniel Padilla
Sarah Geronimo excited to do movie with Daniel Padilla
Kathryn Bernardo backs Daniel Padilla-Sarah Geronimo teamup
Kathryn Bernardo backs Daniel Padilla-Sarah Geronimo teamup
Daniel Padilla on Sarah Geronimo:
Daniel Padilla on Sarah Geronimo: "Napakabait na tao."

ON KATHRYN AND KATHNIEL. Kung si Kathryn ang ipapareha sa iba, hindi kaya siya magseselos?

“Wala, wala naman... 'wag lang silang magkakamali!” biro ni Daniel.

Kung sakali at maipareha sila sa iba, maging daan kaya ito para mabuwag ang KathNiel? Hindi ba siya nangangamba?

Ayon sa Kapamilya actor, “Hindi naman, hindi naman sa tingin ko mabubuwag ang KathNiel, hindi sa ganung paraan.”

Samantala, isa si Kathryn sa pangalang lumalabas na diumano'y pinagpipilian at posibleng maging Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, payag ba si Daniel na mag-Darna ang girlfriend?

Tugon niya, “Oo naman, kung siya ang gusto ng tao, management, at kung siya ang nararapat, bakit hindi, di ba?”

Payag siyang mag-two-piece si Kathryn bilang Darna?

“Oo nga, 'no? Hindi ko naisip yun, a!” natawang sabi ni Daniel.

Pero dugtong niya, “Feeling ko, ihuhulma naman nila yun para kay Kath. Kapag masyadong parang awkward din.”

STUPID ISSUE. Ngayong mas mature na sila ni Kathryn, paano niya hina-handle ang mga kontrobersiya?

Sagot ni Daniel, “Paano ba akong mag-handle ng kontrobersiya dati?

“Okey lang naman, pero kapag medyo may pagka-stupid ang issue, hindi mo mapigilang pumatol, kasi it's too much for me to take.

“Pero ngayon, dedma na lang.”

Ano ang pinaka-stupid na isyu na naibato sa kanya?

“Yung tumalon daw ako sa bangin!” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN