Matteo Guidicelli explains "malapit na ang kasal" video

IMAGE Noel Orsal

Is Matteo Guidicelli's "malapit na ang kasal" statement pertaining to him and girlfriend Sarah Geronimo? The former replied, "If things will happen, it will happen. I don't know when. Basta malalaman niyo na lang."


Nagpaliwanag si Matteo Guidicelli tungkol sa viral Twitter video kung saan sinabi niyang “Malapit na ang kasal.”

Bagamat wala siyang direktang tinukoy, may ilang fans ang nag-isip na ito ay patungkol sa kanila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Ayon kay Matteo, kuha ang naturang video sa birthday surprise sa kanya ng ilang kasamahan sa Star Magic.

Pero wala raw ibig sabihin ang kanyang sinabi na "Malapit na ang kasal!"

Aniya, “Wala lang. This one surprised me, si Mau [Belmonte from Star Magic].”

Tungkol naman sa nag-aabang ng 'totoong kasalan,' sabi ni Matteo, “If things will happen, it will happen.

“I don't know when. Basta malalaman niyo na lang.”

Sa ngayon, matipid pa rin ang sagot ni Matteo tungkol sa relasyon nila ni Sarah.

Aniya, “Everything's going well. Everything's going good.”

Nitong nakaraang weekend lamang ay saglit na bumisita si Sarah sa Cebu para samahan si Matteo na ipagdiwang ang ika-27 kaarawan nito.

Para sa Kapamilya actor, ito ang pinakamagandang regalo na kanyang natanggap noong kaarawan niya.

“Yung pag-surprise niya sa akin sa Cebu, yun ang pinakamalaking gift po sa taon ko ngayon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa presscon ng pelikulang Can't Help Falling In Love, na ginanap sa Villa Immaculada Events Place, Intramuros, Manila, nitong Huwebes, March 30.


Stories We Are Tracking

Matteo's b-day bash in Cebu made special by Sarah's presence
Matteo's b-day bash in Cebu made special by Sarah's presence

SARAH-DANIEL PROJECT? Kasama ni Matteo sa pelikula sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Habang ginagawa nila ang pelikula, nakita raw niya kung paano magtrabaho ang reel-and-real love team.

Kuwento ng actor-singer, “Hindi kami nagkaeksena ni DJ [Daniel], e.

"I was supposed to have a scene with him but it didn't push through.

“But Kathryn, seeing her working together with DJ onscreen, iba yung magic nila.

“Parang mayroon silang string na hindi mo maputol.

“Sobrang lakas ng energy, sobrang lakas ng chemistry.

“I think, parang two people born for each other. Parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It makes you happy. It makes everybody happy."

Papayag ba siyang makatrabaho ni Sarah si Daniel?

Tugon ni Matteo, “It's very nice.

"Sarah also wants to work with him.

"Nag-prod nga sila sa ASAP, very cool.

"I'll be happy if that happens."

Pagbibisto pa niya sa kanyang girlfriend, “You know, Sarah always tells me, 'I hope I can work with Daniel. I hope I can.'

“Sabi ko, 'You see, you guys have a prod together.'

“Hopefully, magka-movie rin sila in the future.”

Biro pa ni Matteo sa huli, “Magka-age lang kami, e, kami ni Daniel.”

Si Matteo ay 27 years old, habang si Daniel ay 21 pa lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN