Max Collins will say 'yes' if boyfriend Pancho Magno proposes to her

IMAGE Rose Garcia

Max Collins says she will say 'yes' to boyfriend Pancho Magno should he propose today. But he's willing to wait, "Alam niya kasi na hindi paa ko ready, kinukonsider niya yun," she says.


"I’m thankful, blessed."

Ito ang nakangiting sabi ni Max Collins tungkol sa kanyang career at love life.

Pareho nga raw silang abala ngayon sa trabaho ng boyfriend niyang si Pancho Magno.

Si Max ay kasalukuyang ginagawa ang pelikulang Citizen Jake, habang si Pancho ay kasama sa cast ng primetime series na Encantadia.

Ayon sa Kapuso actress, "Kapag may free day siya at free rin ako, saka lang kami nagkikita.

“Pero kahit hindi, nag-uusap naman kami.

"Understood naman dahil ito lang ang panahon na busy kami.

"Siguro depende sa contentment mo, like, ako right now, masasabi kong happy ako, contented ako sa career, happy ako sa love life."

Medyo cute ka. Medyo lang. ???? #cutekanamantalaga

A post shared by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

Apat na taon na raw ang relasyon nila at tila handa na si Pancho na magpakasal, pero alanganin pa si Max.

"Tumatanda na kasi siya!" biro niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Seryosong paliwanag ng aktres, "Welll, family-oriented person talaga siya.

“Yun talaga ang goal niya sa buhay, to have his own family.

“But he's willing to consider din naman my dreams today, which is my work.

“Iniintindi lang niya yung mga situation… Magbabago talaga ang career namin if we move and have a family. 

“So, we're just taking it slow, lalo na for me, for now.

"Alam naman niya na kailangan ko ng time for work.

“Siyempre kapag married na, may family na, iba na ang path.

“That's the next chapter naman in the future."

Hindi naman daw niya tatanggihan sakaling mag-propose na sa kanya si Pancho.

"Pero alam niya kasi na hindi pa ako ready, kinukonsider niya yun."

MAX'S PROJECTS. Bukod-tanging nominee mula sa Asia ang dating primetime series ng GMA Network na Someone To Watch Over Me sa New York Festival 2017.

Kaya proud si Max dahil kahit matagal nang tapos ang primetime series nila nina Lovi Poe at Tom Rodriguez, patuloy pa rin itong umaani ng papuri at rekognisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-text nga raw sa kanya ang direktor nilang si Maryo J. de los Reyes kung gusto niyang mag-New York. 

“Baka sumama ako with Lovi Poe, sa April 25 raw ang New York Festival 2017,” banggit ni Max.

Okey naman daw na sa ngayon ay wala pang follow-up project si Max sa GMA-7.

"Hindi ko kaya sa sked ko ngayon, akyat-baba from Baguio."

Ang tinutukoy niya ay ang comeback project ng critically-acclaimed director na si Mike de Leon, ang Citizen Jake, na buong pelikula ay sa Baguio ang location.

Dagdag pa ni Max, “May 'Alex and Amie' pa ako sa GMA News TV, so okey pa, okey pa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN