Max Collins turns her back on sexy roles, pictorials

IMAGE Rose Garcia

Max Collins: I've moved on and I want people to see another side of me, which is more than being sexy. That's not the path that I want to do."


May balitang ayaw na raw magpa-seksi si Max Collins na minsan nang naging cover girl ng FHM magazine.

Totoo nga ba?

"I don't want to be known as a daring actress," tugon niya, “I would like people to see another side of me. 

“Nagawa ko na naman yun. I already did FHM."

Pero calendar girl din siya ng isang energy drink, ang Cobra.

"It's an energy drink naman, for sports.

“I really use it naman, especially when I'm tired,  so it makes sense to me.”

Pagbibigay-linaw pa ni Max, “I’m not judging people na nagpapa-sexy or the fact na nagpapa-sexy ako.

“Hindi ko nire-regret, I'm just saying that I've moved on.

"And I want people to see another side of me, which is more than being sexy.

”That's not the path that I want to do."

Kasama si Max ni Mikael Daez sa Alex and Amie ng GMA News TV.

Busy rin siya sa ginagawa niyang indie film na Citizen Jake na comeback movie ng director na si Mike de Leon.

Sabi niya, “I’m happy and I like the fact that Alex and Amie caters more sa mga bata. 

“I like the Citizen Jake is an intelligent movie…  I'd like to think that I can give more than just my skin.”


RIGHT TO CHOOSE. Born-again Christian na si Max at nagpa-baptize siya sa Victory Christian Fellowship.

Ibig bang sabihihin ay may tatanggihan na siyang mga roles?

Lahad niya, ”Sa akin naman kasi, values mo 'yan.

“It's not fair that people are judging me or others who are Christian because of the roles that they choose.

"Lahat naman may karapatang mamili, hindi naman porke't in-offer sa 'yo, wala ka nang karapatang mamili lalo na kung hindi bagay sa 'yo.

“Kung feeling mo hindi mo magagampanang maayos, then don't accept the job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I think someone can do it better than me, hindi ko ina-accept.

“And if I feel, because of my values and morals, hindi ko rin siya magagampanan nang maayos, hindi ko na lang siya tatanggapin.

“People might say that I didn't fulfill my role, I didn't fulfill my job properly."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN