Claudine Barretto to sell late boyfriend Rico Yan's memorabilia items

IMAGE Twitter and Instagram

Claudine Barretto says she will be selling some of Rico Yan's things, such as clothes, while she will keep the rest. Claudine said, "it's time to let go of his things/clothes." 


Sunud-sunod ang Instagram posts ni Claudine Barretto ng memorabilia ng yumaong boyfriend niyang si Rico Yan, dalawang araw pagkatapos ang 15 death anniversary ng aktor.

Kabilang sa mga ipinost ni Claudine ang kumot na ginamit noon ni Rico sa ginawa nilang pelikula at ang kuwintas ng aktor.

RY's Necklace??

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Naging sentimental naman ang fans ng love team nina Claudine at Rico, at nagpaabot ng kanilang mensahe sa comments section ng IG posts ng aktres.

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort, sa Puerto Princesa, Palawan.

Lumabas sa autopsy na cardiac arrest at acute hemorrhagic pancreatitis ang dahilan ang pagpanaw ni Rico.

Samantala, sinabi rin ni Claudine na isasama niya ang ilang naitagong gamit ni Rico, gaya ng mga damit, para sa isang garage sale.

Lilipat daw kasi ng bahay si Claudine at balak ding magtayo ng business sa US, kasosyo ang kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan.


Pakiusap naman ng ilang fans ni Claudine, itago na lamang nito ang memorabilia ng yumaong aktor.

Tiniyak ng aktres sa fans na itatago niya ang ibang gamit ng aktor.



Tungkol naman sa kuwintas ni Rico, nakiusap ang isang fan kay Claudine na isuot na lang niya ito at huwag ibenta.

Sinabi ni Claudine na hindi niya ito ibebenta, pero naisip niyang “it’s time to let go of some of his things/clothes.”

Dugtong pa niya, “[I]ve to get rid of so much things ko. Ayaw ng mommy ko magdala ng clutter pa sa lilipatan.”





Samantala, inalala rin ni Julia Barretto, pamangkin ni Claudine, ang love team ng kanyang tita at ni Rico.

Sa kanyang Twitter ay ipinost ni Julia ang larawan nina Claudine at Rico at may caption na: “Never forget.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN