Sanya Lopez insists she and Rocco Nacino are not a couple

IMAGE Sanya Lopez Instagram

Sanya Lopez on possible romance with Rocco Nacino: "I'm open naman po pagdating sa relationship. Pero sa ngayon, hindi pa ako handa. Kung anuman po ang mangyari, then, go po. Mabait naman po siya, guwapo naman siya."


Nagtataka si Sanya Lopez kung bakit iniisip ng marami na may namamagitan sa kanila ni Rocco Nacino.

Ayon sa Kapuso actress, naging malapit lang sila ng aktor kagaya ng iba pang kasamahan nila sa telefantasya ng GMA Network na Encantadia.

Pahayag pa ni Sanya, “Hindi naman po, grabe… siguro sweet talaga siya.

“Sa lahat naman po, sweet siya. At ma-care kasi siya.

“Every time na meron akong ginagawa, tinutulungan naman niya ako, kinu-coach niya ako pagdating sa acting.

“For me, hindi ko po alam kung ano yung sweet na mas sweet siya sa akin.”

Close ba sila?

Tugon niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Very close naman po.

“Pero siguro yung closeness namin, same lang naman po with Gabbi [Garcia], Mikee [Quintos], and other cast naman po, e.”

NOT A COUPLE. Diin ni Sanya, hindi naging sila ni Rocco.

“Hindi naman po, close lang kami na parang barkada.

“Nagsi-share na rin kami ng secrets sa isa't isa. Parang mga ganun po.”

Pero may posibilidad kayang magkagustuhan sila?

Sagot ng 20-year-old actress, “I'm open naman po pagdating sa relationship.

“Pero sa ngayon, hindi pa ako handa. 

“Kung anuman po ang mangyari, then, go po.

“Mabait naman po siya, guwapo naman siya.

“Madalas magkasundo naman kami.”

Sa hiwalay na panayam, inamin ni Rocco na mayroon siyang idini-date ngayong non-showbiz girl.

Pero sinabi rin ng Kapuso actor na mas close pa rin siya kay Sanya.

Reaksiyon dito ng dalaga, “Meron naman po pala siyang dine-date… ang hirap naman po kasi kung papasok ako.

“So, hayaan na lang natin siya kung saan siya masaya.”

Sa kabilang banda, masaya si Sanya dahil marami nang nabuong fans ang team-up nila ni Rocco sa Encantadia— ang DanQuil at RocSan.

Saad niya, “Thankful kami kasi hindi ko nga alam na kakagatin ng mga fans ang love team namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Umpisa, parang ang eksena namin, palagi akong nagtataray sa kanya. Pero parang mas gusto yun ng mga fans.

“Hanggang sa magkaroon na kami ng Twitter serye.”

FIRST KISS. Nagkaroon na rin sila ng kissing scene ni Rocco sa Encantadia.

Inamin ni Sanya na kinabahan siya dahil ito ang unang halik niya, on and off cam.

“First time ko po, e,” sambit niya.

First kiss niya si Rocco?

“Opo, first kiss... hindi pa po ako… Wala pa, wala pa namang iba!” natawang sabi ni Sanya.

Kumusta ang first-ever kiss niya?

“Kinabahan ako, actually kaya ako naiyak!” tawa na naman niya.

“Yung una kasi naming kiss, may iyak kasi.

“Pero naiiyak talaga ako. Halo ang kaba ko dun

“Okey naman. After naman nun, hinug niya ako para i-comfort.”

NBSB. Pinaninindigan ni Sanya ang naunang statement niya na never pa siyang nagkakaroon ng boyfriend.

“Never pa po, seryoso po. Wala pong halong ka-etchosan,” diin niya.

Tila mahirap yatang paniwalaan na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend, lalo na’t maganda at sexy siya?

“Actually, nagtataka na nga rin po ang nanay at lola ko!” natawa niyang sagot.

“Sabi ng nanay ko, ‘Hindi kaya tomboy 'tong anak ko?’

“May nanligaw naman po. Pero siguro po, ako mismo yung wala pang gana.

“Parang pakiramdam ko, wala pa ako sa time na ginaganahan agad ako.

“Wala pa po ako dun sa… parang hindi pa ako apektado sa mga nanliligaw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN