PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Danica Sotto-Pingris says she now accepts Pauleen Luna as stepmom without any misgiving

Danica Sotto-Pingris is thankful to Pauleen Luna for taking good care of dad, Vic Sotto.  
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 1, 2017 | Updated Apr 1, 2017
Danica Sotto-Pingris admits it took her a while to accept Pauleen Luna as stepmom. Now she's grateful to her for taking good care of her dad, Vic Sotto. She relates, "Makikita mo naman si Daddy na he's happy at okey ang health niya. Nawala na yung pagkailang ko kapag nandiyan si Pauleen sa mga family gatherings namin."

Inilahad ni Danica Sotto-Pingris kung paano siya naging malapit kay Pauleen Luna, asawa ng ama niya na si Vic Sotto.

Siya at ang kapatid na si Oyo Sotto ay mga anak ni Vic sa dating asawa nito na si Dina Bonnevie.

Isa nga raw sa ikinatutuwa ni Danica ay ang magandang pag-aalaga ni Pauleen sa kanyang ama.

Lahad niya, “Ang galing din talaga ni God kasi yung pagiging close namin ni Pauleen ngayon, hindi namin pinilit.

“Nangyari lang siya naturally, nakisama siya nang maayos sa aming lahat.

“Kasi siyempre, dun ko rin nakita kung paano niya alagaan nang mabuti si Daddy.

“Makikita mo naman si Daddy na he’s happy at okey ang health niya.”

“Nawala na yung pagkailang ko kapag nandiyan si Pauleen sa mga family gatherings namin.”

Noon pa man ay aminado si Danica na alinlangan siya na tanggapin si Pauleen bilang stepmother nila ni Oyo.

“Before nandoon yung awkwardness, kasi nga parang magbabarkada lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman siya yung madali naming matanggap,.. Ang daming apprehension.

”Nandoon yung, ‘Uy, ano ba ‘to? Paano ba ‘to?’ Marami akong mga questions.

“Marami akong gustong sabihin tungkol sa relationship nila pero lahat yun, wala na.

“Kasi nagkaroon na ng acceptance, ngayon wala nang ilangan sa amin.

“I can honestly say na wala na,” ngiti pa ni Danica nang makausap ng press sa launching ng Cignal TV lifestyle channel na Colours noong March 22 sa Cities Event Place sa Quezon City.


WORKING MOM. Balik sa pagiging host sa isang lifestyle show si Danica via MomBiz ng Colours Channel.

Kasama niya rito ang kaibigan niyang si LJ Moreno-Alapag.

Lahad ni Danica, “It’s all about being a mom entreprenuer.

“Hindi porke’t nanay ka na, e, wala ka nang ibang gagawin sa buhay mo.

“Like kami ni LJ, we may have kids, pero we still love to work and do other things outside of our homes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandoon ang fulfillment ng isang babae kapag may nagagawa ka pa for your family aside from the usual mommy stuff.”

Busy rin si Danica sa online cooking demo niya sa kanyang YouTube channel na KusiNica.

Bukod dito, hands-on din siya sa Technoglass Curtainwall System Inc., ang glass and aluminum business ng kanyang mister na si Marc Pingris.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Danica Sotto-Pingris admits it took her a while to accept Pauleen Luna as stepmom. Now she's grateful to her for taking good care of her dad, Vic Sotto. She relates, "Makikita mo naman si Daddy na he's happy at okey ang health niya. Nawala na yung pagkailang ko kapag nandiyan si Pauleen sa mga family gatherings namin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results