PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid smitten by new leading lady Arra San Agustin's beauty

Ruru Madrid remains loyal to Gabbi Garcia: "Nakatatak na po 'yan, mahal ko po si Gab… pero hindi pa po puwede, e."  
by Allan Diones
Published Apr 1, 2017 | Updated Apr 1, 2017
Ruru Madrid is all praises for Arra San Agustin, his new screen partner. He relates, "Ipi-pair daw sa akin, sabi ko, 'Puwede. Ang ganda!' Na-curious lang ako kung sino." But he assures he remains loyal to Gabbi Garcia, "Yung pagmamahal ko po para kay Gab, parang kahit kailan, hindi na po mawawala. Nakatatak na po 'yan."

May bagong ipinapareha kay Ruru Madrid sa Encantadia, ang 21 anyos na produkto ng StarStruck 6 na si Arra San Agustin.

Ang tawag nga raw sa love team nila ay ArraRu.

Mabilis ding sumang-ayon si Ruru nang purihin ang ganda ni Arra ng mga press na dumalaw sa set ng Encantadia.

“Sobra,” natatawang sambit nito, “hindi siya mahirap magustuhan, Arra’s gorgeous!”

Lahad pa niya, “Dati ko pa siya nakatrabaho sa isang episode ng Karelasyon.

“Sobrang saglit lang nung role niya, noon pa lang, nagandahan na ako sa kanya.

“Nung nalaman kong papasok siya sa Encantadia, in-stalk ko muna siya [sa social media].

“Ipi-pair daw sa akin, sabi ko, ‘Puwede. Ang ganda!’”

Dati-rati ay parang walang ibang babae sa buhay ni Ruru kundi si Gabbi Garcia.

Bakit tila nag-iba na ang tono niya ngayon?

Emotional niyang tugon, “Yung pagmamahal ko po para kay Gab, parang kahit kailan, hindi na po mawawala ‘yan.

“Nakatatak na po ‘yan, mahal ko po si Gab… pero hindi pa po puwede, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami kaming priorities sa buhay… pamilya, career, marami po, e.”

Pero kung sila pa ni Gabbi, kahit sino pang i-love team sa kanya ay hindi siya magkakaroon ng interes.

“Nagdudugo yung utak ko!” kuwelang hirit ni Ruru.

“Opo, opo na lang. Hindi ko na alam ang isasagot ko, e.”

At the same time, mukhang nagugustuhan na ni Ruru si Arra.

“Hindi naman po, siyempre ipi-pair daw po sa akin, so parang na-curious lang ako kung sino.”

MORE PRAISES FOR ARRA. Dating regular na napapanood sa Bubble Gang si Arra.

Papuri pa ni Ruru dito, “Nung nakita ko siya, may eksena kaming dalawa na parang audition niya…

“Habang tinititigan ko siya, parang lalo siyang gumaganda.

“Hindi siya gaya ng iba na unang tingin maganda, pero habang tumatagal, nawawala.

“Si Arra, pag tinitigan mo siya, habang tumatagal lalong gumaganda.”

May tumitibuk-tibok na kaagad?

“Hindi naman po, mabait po si Arra, e, better na talagang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako naman, hindi po natin masasabi kung ano po yung iaadya ng tadhana, di ba?

“Naniniwala ako sa destiny, kung kami po talaga yung nakatadhana sa isa’t isa, e, di kami po.”

So, posible siyang ma-in love kay Arra at maging sila?

“Why not, di ba?” mabilis na sagot ng 19-anyos na Kapuso heartthrob.

“Puwede naman po talaga, maganda si Arra, mabait, matalino.

“Pero yung itsura po niya, alam mong nirerespeto po talaga.”

“Masaya ako na si Arra yung katrabaho ko. Minsan umaalis kami na magkasama.”

Nilinaw rin ni Ruru na sa paglabas-labas nila ni Arra, naroon din ang co-stars nila sa Encantadia na sina Mikee Quintos, Rocco Nacino, at Carlo Gonzales.

Alam ba ito ni Gabbi?

“Minsan, kasama po siya,” pahalakhak na tugon niya.

Bihira raw silang lumabas ni Gabbi, “Medyo strict yung parents niya, e, bihirang-bihira po, sobrang bihira.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid is all praises for Arra San Agustin, his new screen partner. He relates, "Ipi-pair daw sa akin, sabi ko, 'Puwede. Ang ganda!' Na-curious lang ako kung sino." But he assures he remains loyal to Gabbi Garcia, "Yung pagmamahal ko po para kay Gab, parang kahit kailan, hindi na po mawawala. Nakatatak na po 'yan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results