Pia Alonzo-Wurtzbach wasn't her usual bubbly self at an event, says source

IMAGE Instagram (@piawurtzbach @adrianneconcept)

At an event this Friday, March 31, which Pia Alonzo-Wurtzbach hosted, members of the press were positioned at a distance from the stage, making them unable to interview Pia. Earlier this Friday, PEP reported about a model who confirmed that Marlon Stockinger, Pia's boyfriend, is the biological father of her twin daughters.


Hindi nakalapit ang media kay Pia Alonzo-Wurtzbach sa grand fountain unveiling ng Okada Manila, kung saan host ang dating Miss Universe, nitong Biyernes ng gabi, March 31.

Madaling-araw ng Biyernes, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkumpirma ng modelong si Kit Barraquias na si Marlo Stockinger, kasalukuyang boyfriend ni Pia, ang "biological father" ng kanyang kambal na anak.

Si Kit ay dating girlfriend ni Marlon, at pitong taong gulang na ang kambal nilang anak na babae.


Stories We Are Tracking

Model confirms Marlon Stockinger is the father of her twins
Model confirms Marlon Stockinger is the father of her twins
Pia Wurtzbach asks:
Pia Wurtzbach asks: "Ano gusto niyong pag-usapan?"

Ayon sa source ng PEP, sinikap ng ilang miyembro ng entertainment press na ma-interview si Pia at ilan pang performers sa event kagabi, kagaya nina Robin Thicke at Gerphil Flores.

Subalit, sinabi sa kanila ng organizers na hindi nila maipapangakong mapagbibigyan sila ng interview. Susubukan na lang daw nilang makakuha ng schedule.

Pero hindi na sila binalikan tungkol dito.

Nang tanungin kung maaaring ma-interview kahit si Pia, sagot umano ng miyembro ng organizers: “Let's see. We will try.”

Nagulat din daw ang press na napakalayo ng kanilang “special viewing area” mula sa stage kung saan nakapuwesto sina Pia.

“Malayo ang puwesto ng press mula sa stage. Pabilog ang design ng Okada at 1.2 kilometers ang measurement niya,” sabi ng isa pang source ng PEP.

Nakiusap din daw ang ilang press na palapitin ang kanilang mga cameramen upang makunan ng magandang shots ang mga artista kagaya ni Pia, subalit inulit ng organizers ang kanilang pahayag na hindi nila maipapangako pero susubukan nila.

“LOW ENERGY.” Kuwento ng source, kapansin-pansin daw ang mababang energy ni Pia habang naghu-host ng nasabing event.

Paglalarawan ng isa pang source, “malamya” at “walang kaeksa-excitement” si Pia, kumpara sa mataas na energy ng Miss Universe 2015 nang mag-host sa preliminary competition ng Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong January 2017.

Ayon sa isa pang source, “Medyo mababa yung energy niya saka parang hindi yung usual bubbly self niya na very chatty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matapos daw ang event, sinubukan ng ilang media na puntahan si Pia pero masyado raw itong malayo kaya hindi na nila naabutan.

“After ng program, sinubukan namin na pumunta sa stage sa other side of the grand fountain pero dahil sa kapal ng tao na sabay-sabay naglabasan, hindi namin siya naabutan,” kuwento ng PEP source.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN