Ai-Ai delas Alas not yet ready to tie the knot because of trauma: "Parang natatakot ako, e."

IMAGE Gorgy Rula

Ai-Ai delas Alas reveals that if their wedding plans do push through, her boyfriend of three years, Gerald Sibayan, promised to shoulder all wedding expenses: "Okey naman siya, e. Saka isa pa, ang bilin ng tatay niya, huwag kang magpapakasal hangga't wala kang pera."


Hindi magbabakasyon si Ai-Ai delas Alas sa darating na Semana Santa dahil itutuloy raw niya ang pabasa na anim na taon na niyang panata.

“Ganun pala yun.

“Hindi mo raw dapat putulin, e.

"Dapat tuluy-tuloy na yun, at ipamana mo na sa mga anak mo,” pahayag ng Kapuso Comedy Queen.

Pagkatapos ng pabasa ay magbabakasyon daw sila sa ibang bansa kasama ang pamilya at ang non-showbiz boyfriend niyang si Geral Sibayan.

“Diyan lang kami sa tabi-tabi.

“Kasi third anniversary na rin namin, e,“ sagot ni Ai-Ai sa tanong namin kung saan sila magbabakasyon.

THREE-YEAR RELATIONSHIP. Hindi rin daw makapaniwala si Ai-Ai na umabot ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

“Isipin mo, naka-three years din kami.

“Dumami na bashers namin,” natatawa niyang pahayag.

NOT YET READY TO GET MARRIED AGAIN. Hanggang sa ngayon ay hindi pa raw niya makumpirma kung matutuloy ba ang balak nilang pagpapakasal sa taong 2018.

Tila nahihiya pa si Ai-Ai sa pagsiwalat kung bakit hindi pa talaga nila maisip na magpakasal.

“Baka matawa kayo, e.

“Yung totoo?

“Ako talaga ang hinihintay.

“Hindi pa talaga ako ready.

“Sabi nga niya, 21?” natatawang sabi nito.

“Kasi 'di ba dapat ikakasal kami sa December.

“Sabi ko huwag muna, kasi parang natatakot ako, e,” seryosong lahad nito.

TRAUMA. Inamin niyang nakakaramdam pa rin daw siya ng trauma sa unang pagpapakasal niya sa dating boyfriend sa Amerika na ilang araw lang ang itinagal.

Ikinasal si Ai-Ai sa dating boyfriend na si Jed Salang sa Las Vegas, Nevada, noong April 2013.

Naghiwalay sila matapos ang 29 na araw.

Noong nakaraang taon lamang na-recognize ng isang Philippine court ang kanilang pagkaka-divorce.

“Parang naano ako na baka later on... 'di ba siyempre, bata pa si Gerald.

“E, ito simbahan na ‘to. Hindi naman mababawi ‘to kasi simbahan na 'to, 'di ba?

“Kumbaga pinagsama ng Diyos, hindi dapat paghiwalayin ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako dun.

“So natatakot ako na baka dumating yung time na matukso kung sino man, masira yung marriage. Wala na,” seryoso na niyang pahayag.

Nangako pa raw si Gerald na kailangang siya ang gagastos ng kasal kung sakaling napagdesisyunan na nilang itutuloy ito.

“Okey naman siya, e.

“Saka isa pa, ang bilin ng tatay niya, huwag kang magpapakasal hangga’t wala kang pera,” pakli nito.

Kaya hindi na rin naman daw siya nagmamadali at masaya na raw sila sa ganitong set-up.

Nagtatrabaho si Gerald bilang badminton coach sa San Sebastian College at may negosyo naman ito.

Ang gusto pa raw ni Ai-Ai ay mga mamahalin ang isusuot niya sa kanyang kasal. Kaya pag-iipunan pa raw ito nang husto ng kasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN