Regine Tolentino optimistic that annulment case will be resolved this year

IMAGE Rose Garcia

Regine Tolentino on ongoing annulment case: "My annulment would be done this year. It's not done yet. Patapos na rin siya. My next hearing is on Monday, April 3, and then I have a few more. So, this year, matatapos na siya."


Inaasahan ni Regine Tolentino na ngayong taon ay matatapos na ang annulment case nila ng kanyang estranged husband na si Lander Vera-Perez.

Saad niya, "My annulment would be done this year.

“It's not done yet. Patapos na rin siya.

“My next hearing is on Monday, April 3, and then I have a few more.

"So, this year, matatapos na siya."

Ito raw ang dahilan kung bakit wala siyang love life ngayon.

"So, we'll talk again kapag free na free na ako...

"Kapag puwede na akong mag-lakwatsa.

"I'll have so much at risk if I'll do anything right now and date anyone, so papatapusin ko muna."

Pero ayon kay Regine, kahit ongoing ang annulment case nila, ni minsan ay hindi niya nakitang dumalo sa hearing si Lander. Hindi rin daw sila nagkikita.

Maging ang dalawang anak nila ay hindi nakikita ang kanilang ama simula nang maghiwalay sila noong 2015.

"Magkalapit lang kami, walking distance!" natawang sabi ni Regine tungkol sa pagitan ng mga bahay na tinitirhan nila.

"Weird, right?

“Ewan. Okay lang."

Ayon pa kay Regine, "Sumulat pa nga yung panganay ko sa kanya. Pero wala rin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa press launch ng Flanax 35th year, "Subok Ko Na Yan" dance fitness concert, na ginanap sa Cerchio, Tomas Morato Ave., Quezon City, noong March 30.

GRATEFUL FOR BLESSINGS. Ano ang nararamdaman niya ngayon matatapos na rin ang annulment case nila ni Lander?

Tugon ni Regine, "I'm so excited to start over and eventually move on talaga.

“I'm blessed that I'm preoccupied with work na hindi ko napi-feel ang loneliness or pagkukulang.

"Matagal ko na siyang inaabangan, and once na maano 'yan, ang laking load na mawawala sa akin.

“I'll be more free."

Magingang dalawang anak nila ay masaya raw para sa kanya kung sakaling ma-annul na ang kasal nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They're excited for me na maka-move on.

“Sila, may mga barkada na rin sila and they feel na, ako, nganga, di ba?" natawang sabi niya.

Dahil hindi na sila nagkikita o hindi man lang nagpaparamdam si Lander sa kanilang mag-iina, ibig bang sabihin nito ay si Regine ang sumasagot sa lahat ng gastos para kanilang mga anak?

Sagot niya, "Ah, yes, 100 percent.

“Not even one peso [from Lander].

“So, I'm proud na nakakaraos kami and we're doing great.

“The kids are doing great in school."

Marami na ba ang naghihintay na matapos ang annulment case niya?

Saad ni Regine, "Para may choices!

"Pero hindi pa ako aware sa mga choices, baka may suggestion kayo!"

Ang sigurado raw siya, mas masaya siya ngayon.

"I think I'm more mature, smarter, and I appreciate things more and mas nae-enjoy ko ngayon ang career ko.

“Dati kasi, nai-stress akong umuwi, nai-stress akong isipin kung ano ang ginagawa niya, mga pinaggagawa niya habang ako ay nagwu-work.

"At least ngayon, di ba, parang mas open na ang isip ko and I'm just more focused."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN