Sanya Lopez and Jak Roberto's house in QC robbed

IMAGE Screengrab from 24 Oras

A robber entered the house of Kapuso siblings Sanya Lopez and Jak Roberto in Tandang Sora, Quezon City, last Thursday, March 30.


Nilooban ang bahay ng magkapatid na GMA-7 stars na sina Sanya Lopez at Jak Roberto sa Tandang Sora, Quezon City, nitong Huwebes, March 30.

Ayon sa report ng 24 Oras kahapon, April 1, sa bintana sa kuwarto ni Sanya dumaan ang nanloob.

Nangyari raw ito habang nasa taping si Sanya ng kanyang primetime series na Encantadia.

Bumaba raw sa hagdan ang magnanakaw at nakasalubong nito ang co-manager ng magkapatid na hindi pinangalanan sa report.

Kuwento ni Jak, "Sumilip daw ta's nagulat. Tapos tumakbo.

"Sabi na lang ng manager ko, 'Uy, sino ka?'

"Tapos, noong bumalik dun sa kuwarto ko, doon siya nanggaling.

"Kumbaga, noong una, sa CR siya dumaan.

"Ito, nung pangalawa, um-exit siya sa bintana na yung malaki."

Wala namang nasaktan sa insidente subalit natangay ng magnanakaw ang cellphone ng kasambahay nina Sanya at Jak.

Sa pagmamadali ng nanloob ay may naiwan daw itong relos, na hindi pagmamay-ari ni Sanya.

Saad ni Sanya, "After nung nangyari, hindi ako makatulog, e.

"Kasi, parang konting may bumagsak lang, talagang nakahawak na agad ako doon sa puwede kong ihampas sa kanya, e.

"Siguro minsan nakakatawa, na kahit yung manager ko, akala ko, siya."

Patuloy naman daw na iniimbestigahan ng Quezon City police ang pangyayari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN