Isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagsabi na diumano'y nagkakaroon ng problema sa rumored relationship nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino.
Reportedly, gusto nang kumalas ni Kris pero ayaw pumayag ni Mayor Herbert.
Si Kris ang host ng Trip Ni Kris, ang travel show na mapapanood sa GMA-7 sa April 9.
Ang businesswoman na si Rhodora Pascual Morales ang producer ng show at ang kanyang anak na si Renan ang composer at umawit ng theme song ng travel show ni Kris.
MYSTERY GUY REVEALED. Si Renan ang nagpadala kay Kris ng mga lobo at Ecuadorian roses noong nakaraang buwan, ilang buwan bago nagdiwang ng kaarawan ang controversial television host/actress, pero hindi nito pinangalanan ang sender.
Ayon sa PEP source, may mutual attraction sa pagitan nina Renan at Kris sa unang pagkikita pa lang nila.
Naglilingkod bilang konsehal sa kanilang bayan sa San Antonio, Nueva Ecija si Renan, na dating N-1 champion, premyadong car racer at F3 Formula Driver.
Pamilyar ang pangalan ni Renan dahil nakarelasyon niya noon ang mga sexy stars na sina Andrea del Rosario at Jeni Hernandez.
Maraming impormasyon tungkol sa pagkakamabutihan nina Kris at Renan ang ibinigay ng aming source, pero mas makabubuti raw na ipaubaya na lang sa dalawa ang pagsasalita.