Andi Eigenmann alarmed over Jake Ejercito's joint custody petition for daughter Ellie

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann is okay having joint custody for Ellie with ex-BF Jake Ejercito. However, she said: "Sobrang as in magpapaka-aktibista talaga ako pagka sinet up nila ako or nag-ano sila nang hindi totoo or sinira nila ako. Kasi yun nga yung tanong di ba, is this really what's best for your daughter. Or is it really to bring the mom down and take me away from her?"


Inamin ni Andi Eigenmann na si Jake Ejercito ang pinariringgan niya ulit sa kanyang Twitter post kahapon, April 1.

Read: Jake Ejercito, Andi Eigenmann in a Twitter war again?

Paliwanag niya, ito ay dahil sa lumabas na balita sa isang gossip blogsite na nagsasabing magpepetisyon diumano si Jake para sa joint custody nila sa anak nilang si Ellie.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang reporters si Andi sa finale press conference ng The Greatest Love (TGL) kanina, April 2, sinabi niyang naalarma siya tungkol sa petisyong ito.

Sabi niya, “Well, because, parang there’s something that went out na parang ano, parang petition for joint custody.

“And for me kasi, parang na-alarm ako kasi, my God, ano ba 'yan!

"Hello, lumalaki na si Ellie, she’s five years old and before anything else, do you really think that exposing her to this kind of limelight, to this kind of parang… di ba, ka-cheapan, will be good for her?

“Kasi if this is really not for your ego, for your pride, or for I don’t know, or out of spite because you just hate me so much…

“If this is really because you just love your daughter and you want what’s best for her, I also want that agreement, I also want that joint custody.”

Ang ayaw lang daw ni Andi sa mga nangyayari sa kanila ni Jake ay kailangan pa nilang dumaan sa siraan kung gusto lang naman daw niyang maging parte ng buhay ni Ellie.

Pagpapatuloy niya, “And for him to be a part of Ellie’s life, bakit kailangang idaan pa sa paninira or ilaglag yung ina or hilahin siya pababa, bakit kailangan ilabas pa?

“Bakit kailangan isali na naman lahat ng tao na you know, di ba, this is what ruined everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako nagpapanggap na victim, e.

“I don’t understand, parang petition, yun lang yung parang nakasulat sa Fashion Pulis, sinend lang sa akin.

“I don’t know, I said, can I just be my own lawyer because I’m saving money? I have to get one daw, e.

“Sabi ko nga, as long as it’s really joint custody, okay lang.

"Pero sobrang as in magpapaka-aktibista talaga ako pagka sinet up nila ako or nag-ano sila nang hindi totoo or sinira nila ako.

“Kasi yun nga yung tanong, di ba?

"Is this really what’s best for your daughter?

"Or is it really to bring the mom down and take me away from her?

“And they’re very powerful people and I’m very scared of them.

"Maybe something… I will go to jail for who knows what, I don’t want that to happen!”

COMMUNICATION PROBLEMS. Ayon kay Andi, bukas naman daw siya sa pakikipag-usap kay Jake, subalit hindi ito ang nangyayari sa kanilang set-up.

Sabi pa niya, “Yeah! And you know, I understand.

"They’re powerful, they’re wealthy, they can solve anything through more complicated stuff.

“Pero yung akin, alam niyo, kung nagko-communicate lang sana tayo, it won’t even be this complicated, marami lang talaga tayong misunderstandings kasi hindi tayo nag-uusap.

“Okay talaga ako, sobrang gusto ko maging part [siya], siyempre naman para sa anak ko yun.

“Kasi inaano nila, parang text messages and like evidence from the past, but that was because I loved him!

“That was because I was young and naïve and in love, you know, with the wrong…

"Siyempre at that time, I thought I was right, you’ll go through anything and everything for the one that you love.

“And whenever you're hurt, siyempre minsan, mashu-show mo siya differently like for example, he hurt me or I’m mad, masasabi kong di ko ipapakita yung anak ko or what not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But that was a long time ago!

"I don’t have feelings for him anymore.

"I’m living a quiet and peaceful and happy life.

"Pag kinausap niya 'ko, di ba bata pa ako nun? Ngayon, dude, come on.”

Nang matanong si Andi kung nahihiram ba ni Jake si Ellie, sinabi niyang ang ate ni Jake na si Jerika, na tinatawag niyang Ate Ika, ang nakikipag-usap sa kanya tungkol dito.

Sagot niya, “Anytime, nahihiram, pero hindi masyado.

“Feeling ko, yun yung theory ko, hindi masyadong nahihiram as much as he wants because it has to be Ate Ika that will talk to me.

"He doesn’t want to talk to me, e.

“So feeling ko, yun rin, e. Yun ang sinasabi ko, makipag-usap ka lang.

“Hindi mo kailangang maging friends, and you know, I don’t even want to share it, pero feeling ko nga kapag shinare ko sa inyo, sana naman makatulong kasi wala namang way to get to it, e.”

ELLIE’S GRADUATION. Nilinaw din ni Andi ang lumabas na balitang hindi niya pinapunta si Jake sa graduation ni Ellie noong March 24.

Paliwanag niya, “Hindi, hindi totoo yan.

"Birthday niya yung graduation ni Ellie.

“I’m so busy with TGL, every single day.

"March 27, alam ko birthday ni Jake yun so ako, 'Ay, text ko si Ate Ika, sabihin ko, parang punta ka, parang kay Jake na sobrang welcome siya, birthday niya, I feel like that would be the best birthday gift.'

“Kasi kami ni Ellie pag special occasions like Christmas, we really go shopping, tapos tinutulungan ko siya maghanap ng gift for her dad, stuff like that.

“So parang feeling ko, best birthday gift for her dad kasi graduation ni Ellie.

"Kaso nga lang parang biglang... well, nung una, puwede daw bang isama yung ibang family members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ako, ‘Ah, wait lang, gusto ko lang maintindihan mo Ate Ika na si Jake, pinili ko over my mom sa day na ito.’

“Hindi naman puwedeng 10 tickets sa akin, siyempre may iba pang pamilya sa graduation.

"Sabi ko, kung puwede, siya lang kasi siya naman yung tatay at saka ako, di ba?

"Puwede na yun.”

Subalit ayon kay Andi, hindi na raw nagparamdam ang kampo ni Jake nang papalapit na ang araw ng graduation ni Ellie.

Saad pa niya, “Noong lumapit naman na yung graduation, hindi naman na sila nagte-text or nagpaparamdam.

“E, hindi naman nga kami maayos yung communication, di ba? Hindi nagte-text or nagpaparamdam.

“Tapos, yung mom ko, nagtampo siya, ‘Bakit naman di ako kasali? Apo ko yan!’

“E, nanay ko yun, e.

"Sinong pipiliin ko, taong 'yan o nanay ko na mahal na mahal ko, di ba?

"E, di malamang nanay ko.”

WRONG DATE. Nagkaroon din daw ng pagkakamali sa graduation date si Andi at hindi niya na nabanggit ito sa kampo ni Jake.

“Nalaman ko noong sinabi ng stepmom ko—yung teacher ni Ellie, yung asawa ng daddy ko—sabi niya, ‘Ands, ano ka ba, mali yung date mo, hindi March 27, March 24!'

“So, sabi ko, 'Ay, e, hindi naman sila nagte-text na,' parang days before March 24.

"Tapos, yung mom ko nga nagtampo, sabi ko sige, okay lang sabagay hindi naman sila nagtetext. 'Sige nanay, punta ka na lang po. Kayo nalang po pumunta.'

“E, hindi naman kami nag-uusap, e, di ba?

"So huwag nga siya magbintang. Hindi naman niya ko kilala,” natatawa pang pagtatapos ni Andi.


Stories We Are Tracking

Jake, Andi in another Twitter war?
Jake, Andi in another Twitter war?
Andi on Jake:
Andi on Jake: "He's not a bad person."
Jake Ejercito warns trolls who attack his daughter
Jake Ejercito warns trolls who attack his daughter
Andi speaks up about relationship of Jake and Ellie
Andi speaks up about relationship of Jake and Ellie

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN