Billy Crawford says fiancée Coleen Garcia not a bridezilla

IMAGE @coleengarcia on Instagram

Billy Crawford on fiancée Coleen Garcia: "I took a 360-turn talaga sa buhay ko because of her."


Nagsimula nang maghanda ang engaged couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia para sa kanilang kasal.

Wala pang eksaktong petsa gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib, pero nais daw nilang gawing intimate ang araw na iyon.

"We have more than a year to prepare," sabi ni Billy nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa endorsement shoot niya sa Burger King C5 Libis, noong Biyernes, Marso 31.

Nag-propose ang singer-TV host kay Coleen noong Disyembre 20, 2016.

Bago ang kanilang engagement ay dalawang taon nang tumatakbo ang kanilang relasyon.


Masasabi ba niyang 'bridezilla' o masyadong obsessed sa bawat detalye ang kanyang fiancée?

Sagot ni Billy, "Hindi naman, I don't consider her as a bridezilla."

Pero natatawang dagdag niya, "I consider [her] as a tough mama.

"She's my boss lady.

"She's really tough and she's straight to the point, iyon ang gusto ko sa kanya."

Paano nag-level up ang kanilang relasyon ngayong naghahanda na sila para sa kasal nila?

Ayon kay Billy, "Iyong mga responsibilities namin, medyo we started to think of our future, what to do with the business side, etc.

"Parang kailangan mag-unison lang, we have to work together as one."

WEDDING PROPOSAL. Ayon sa 34-year-old It's Showtime host, medyo matagal niyang pinaghandaan ang pagpu-propose kay Coleen.

Pero kailan niya nalamang ito na nga ang kanyang "the one"?

Saad ni Billy, "Quite a while back.

"Siguro sa mga pinagdaanan namin, all throughout our relationship, from the beginning 'til now and into the future, just like any relationships, there's ups and downs.

"Pero how we handle it, doon ko nalaman na she's my queen.

"Kasi she's really strong, she's very smart, she can handle any situation.

"Kapag mahal mo ang isang tao, at yung puso mo, utak mo, and I guess, when God gives you the go signal and says 'this is where you should be,' I just took a chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just said, 'You know what, if I don't do it now, I'll probably do it next time, and this and that, baka tumagal pa, ayoko na.'

"I just don't want to let her go."

Kuwento pa niya, "Sa totoo lang, I had the ring with me for 19 months bago ko hiningi iyong kamay niya.

"So, it took me that long.

"I was sure na, pero ako, I wasn't sure if she was okay to marry me."

Base sa nakaraang interview ni Billy, noong April 2016 pa niya nakuha ang basbas ng ama ni Coleen na si Jose Garcia.


Stories We Are Tracking

Billy Crawford gets blessing of Coleen's dad to marry her
Billy Crawford gets blessing of Coleen's dad to marry her
Billy Crawford and Coleen Garcia are now engaged
Billy Crawford and Coleen Garcia are now engaged
Billy Crawford to Coleen Garcia:
Billy Crawford to Coleen Garcia: "My everything."
Coleen Garcia and Billy Crawford to wed summer of 2018
Coleen Garcia and Billy Crawford to wed summer of 2018

COLEEN'S BEST QUALITIES. Ang drive sa trabaho ni Coleen daw ang isa sa mga nagustuhan ni Billy sa kanyang future wife.

Nang tanungin ng PEP kung anu-ano ang mga katangian ni Coleen ang una niyang minahal, pabirong sagot nito, "She's young. She's 10 years younger than me."

Magse-celebrate si Billy ng kanyang 35th birthday sa May, samantalang magdiriwang naman si Coleen ng kanyang 25th birthday sa Setyembre.

Patuloy ng singer-TV host, "Well, I liked most about her is her drive and her love for me.

"It's really something else."

Hindi rin daw ito yung tipo ng babae na high maintenance.

"If she can actually take care of herself, she would, kahit may jowa o wala.

"If she can just do everything on her own, she will."

Paano nabago ni Coleen ang kanyang pananaw sa buhay?

Sagot ni Billy, "In every way, really.

"How I think for business, how I think for show business, how I think for myself, how to live, how to be healthier.

"She really just, without forcing me to change, I took a 360-turn talaga sa buhay ko because of her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN