Gabby Concepcion prefers Aly Borromeo over Piolo Pascual and Paulo Avelino for daughter KC

IMAGE Rose Garcia

Gabby Concepcion acknowledges only Aly Borromeo, the current boyfriend of KC Concepcion, and appears disdainful of his daughter's exes, Piolo Pascual and Paulo Avelino. "Sino? Sino? Hindi naman nagpakilala, so hindi ko kilala," he shrugs.


Ayon kay Gabby Concepcion, kung anuman ang mangyari sa relasyon ng anak niyang si KC Concepcion kay Aly Borromeo, okey pa rin sa kanya ang dating Azkals team captain.

"Kahit na magkahiwalay ang dalawang yun, plus, plus pa rin sa akin yun.

"Mabait, masarap kausap, naaano nga ako...

"Baka kung magkahiwalay pa ang dalawang ito, mas maging close pa ko sa bata," pagtukoy ng aktor kay Aly.

Kuwento pa ni Gabby, ”Kinukumbida ko na nga, ang maganda dun, tumatawag naman.

"Hinihintay ko na nga na imbitahan nila ako ulit, sila yung manlilibre ulit.

"Sila ang nanlibre sa akin, e, hindi na matanggal sa isip ko yun dahil first time na nangyari.

“Plus, plus talaga. Kumbaga sa ano, plus, plus talaga.”

Taliwas naman ang reaksiyon ni Gabby nang mabanggit ang dalawang ex ni KC na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino.

"Sino? Sino? Wala akong kilalang naging boyfriend niya kundi ito!" natawang sabi ng 52-year-old actor.

Hindi na niya kilala sina Piolo at Paulo?

Ayon kay Gabby, "E, hindi naman nagpakilala, so hindi ko kilala.

“Haka-haka na may boyfriend daw, pero wala akong kilala."

So, si Aly na talaga ang gusto niyang makatuluyan ni KC?

"Bahala siya kung sino naman ang gusto niya," sagot niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa taping ng Kapuso afternoon series na Ika-6 Na Utos sa Tandang Sora, Quezon City.

FIVE DAUGHTERS. Samantala, ngayong Holy Week, sigurado raw na sa beach dadalhin ni Gabby ang kanyang pamilya.

Isa raw ito sa mga planong hindi niya magawa-gawa simula nang maging busy siya sa Ika-6 Na Utos.

Aniya, “Naantala ang aking pagbi-beach kasama ang mga bagets.

“Pero sinabi ko naman na lahat naman ng ginagawa ko ay para sa kanila rin, so may panahon para riyan."

And mga bagets na tinutukoy niya ay ang dalawang anak nila ng asawa niyang si Genevieve Yatco Gonzales—sina Samantha Alexis, 9, at Savanna, 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang babae ang mga anak ni Gabby mula sa apat na magkakaibang ina.

Ang panganay niyang si KC ay anak niya sa unang asawa na si Sharon Cuneta.

Si Garrie Concepcion ay anak niya sa negosyanteng si Grace Ibuna; si Cloie Syquia-Skarne ay anak naman niya sa dating model-actress na si Jenny Syquia.

At dalawa nga ang anak niya sa asawa niya ngayong si Genevieve.

Ang mga dalaga raw niyang anak na sina KC at Garrie, gayundin si Cloie na wala sa Pilipinas, ay may mga sariling lakad na.

Saad ni Gabby, "Ganun naman, siyempre mga dalaga na 'yan.

“Mga anak ko, pagdating ng 14, 15, magkakanya-kanya na 'yan.

“Ganun naman ang nangyari sa kanila nun, e.

"Pero from zero to 12, 13, nasa inyo pa 'yan, kaya sinasamantala ko na."

Hindi pa rin daw iniisip ni Gabby na ikakasal na ang sinuman sa mga dalaga niyang anak.

Aniya, ”Hindi ko iniisip yun, kasi ang tingin ko sa kanila parang baby pa.

“Pero yun lang naman ang tingin ko sa kanila.

"Tanggap ko naman yun, pero hindi ko iniisip na anytime.

“Kung mangyari yun, that's part of life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN