Kathryn Bernardo now comfortable being touchy with Daniel Padilla

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo on rumored boyfriend Daniel Padilla being touchy: "Yung pagiging sweet ni DJ ng mga ganyan sa lahat ng tao, sobrang ano niya... Sa halos lahat, very touchy talaga, kahit sa sinuman. Ganyan talaga siya and, sa tingin ko, para secure din ako."


Sa grand media launch ng pelikulang Can't Help Falling In Love ng Star Cinema noong March 30, marami sa press na dumalo ang muling nakapansin sa pagpapakita ni Daniel Padilla ng sweetness sa kanyang ka-love team at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Habang ginaganap ang presscon, nakapatong ang kamay ni Daniel sa tuhod ni Kathryn na halos ayaw na nitong alisin.

Kaya hindi maiwasang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kathryn kung ano ang pakiramdam niya sa pagiging malambing sa kanya ni Daniel.

Tugon ng Kapamilya young actress, “Siguro nakikita namin kung gaano kami kakumportable sa isa't isa.

“And yung pagiging sweet ni DJ ng mga ganyan sa lahat ng tao, sobrang ano niya...

“Sa halos lahat, very touchy talaga, kahit sa sinuman.

“Ganyan talaga siya and, sa tingin ko, para secure din ako.”

On her part, paano siya maglambing kay Daniel?

“Parang laging gusto kog nakaganyan,” sabi ni Kathryn, sabay muwestra na parang nakatungo siya sa balikat ni DJ.

Patuloy niya, “Dati, hindi talaga ako sweet, pero naimpluwensiyahan ako ni DJ.

“Nahihiya kasi ako dati.”

CAN’T HELP FALLING IN LOVE. Na-curious ang marami kung nasabi na ba ni Kathryn ang mga linyang "can’t help falling in love" kay Daniel.

Sagot niya, “Kay DJ, oo naman. Nasabi naman.

“Mahirap pigilan ang bugso ng damdamin.”

Samantala, ramdam ba nilang dalawa ang pressure sa pelikulang ito, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang box-office returns?

Ang huling pelikula nilang Barcelona ay isa sa pinamalakas noong 2016.

Saad ni Kathryn, “Parang hindi naman nawawala yung [pressure]...

“Na every project, na sana maging successful yung movie, ganyan.

“Pero hindi lamang dahil sa kikitain, parang mas na-realize namin na katulad sa Barcelona, kung paano ito makaka-affect sa buhay ng mga tao at maging relatable.

“Yung Barcelona, heavy drama talaga, heto… heto, ang layo naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, okey din na nakagawa ng movie na ang layo dun sa Barcelona.

“Yung rom-com at feel-good movie, na sana ay kumita, pero importantly, ay mas marami ang maapektuhan at maka-relate sa character.”

GOODBYE, SWEET IMAGE? Ayon sa obserbasyon ng marami, unti-unti nang umaalis si Kathryn sa kanyang sweet image.

Sa bagong pelikula nila, may underwater scenes sila ni Daniel at mukhang kasal sila.

Nitong buwan din ay ginulat ni Kathryn ang showbiz dahil sa Instagram pics na ipinost niya na tila nagpapakitang hindi na siya yung dating pa-sweet na teen actress.

Read: Photos of sun-kissed Kathryn Bernardo in Palawan are burning up the internet

Handa na ba siya para sa mature roles?

Ayon kay Kathryn, “Siguro yung challenge na... kasi, for this movie talaga, kapag sinabi na mature, hindi naman yung matanda na ang lahat.

“Ang ibig sabihin nun, yung problems, yung mga tina-tackle namin, kung paano namin iha-handle ang mga bagay, ganyan. More of ganyan.

“It's a challenge talaga na kung gumagawa kami ng movies o teleseryes, ay kung paano namin gagawin siya ng iba.

“Yun ang mahirap talaga.

“Like, from Barcelona, ano naman ang mai-offer mong iba dito?”

"So, habang marami kang ginagawa, mas nagiging limited ang mga puwede mong gawin."

Patuloy ni Kathryn, “So, yun, masasabi ko namang masaya ako sa mga nagawa ko dito dahil maraming first time.

“Like, yung nag-aral kaming mag-dive, tumalon kami ng cliff.

“So, masaya naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN