Cesar Montano not affected by allegations against him as DOT official

IMAGE MJ Marfori Instagram

Cesar Montano on allegations of alleged Tourism Promotions Board employees: "Anonymous naman yung nagrereklamo, hindi sila nagpapakilala. Gaya nung mga alegasyon sa akin, hindi ko kilala kung sinong gumawa ng letter of complaint. Nagtatago sila sa dilim. Ako, nasa liwanag; sila, nasa dilim. So, paano kaming magkikita?"


Halos tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maitalaga si Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Boards (TPB), isang sangay ng Department of Tourism (DOT), ngunit nasangkot na siya sa kontrobersiya.

Noong March 1 ay may nagpadala ng letter of complaint sa Presidential Action Center ang diumano'y ilang mga empleyado ng TPB laban kay Cesar.

Nakapaloob sa letter of complaint ang 24 wrongful acts na umano'y ginawa ni Cesar bilang bagong COO ng TPB.

Isa na rito ang isyung nepotism. Kinuha raw kasi ni Cesar ang ilang mga kamag-anak niya para mapasok sa TPB, kahit may mga empleyado na raw na nakatalaga para sa mga ito.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano faces complaint from TPB employees
Cesar Montano faces complaint from TPB employees
Cesar Montano says allegations vs him are
Cesar Montano says allegations vs him are "wrong and untrue"
Sen. Nancy Binay urges Senate to investigate Cesar Montano
Sen. Nancy Binay urges Senate to investigate Cesar Montano

Pahayag ni Cesar tungkol sa mga reklamo sa kanya, “Actually, sinagot ko na ‘yan kay Presidente.

“Punto por punto, sinagot ko yung 24 wrongful acts na sinasabi nila [complainants].

“Yung sinasabi nilang nepotism, naku, nag-iisa lang yung kapatid ko rito, si Rommel. 

“At bago ko pinasok yung kapatid ko, nagtanong muna ako.

“Marami kasi akong kaibigang mga abogado. Sabi sa akin, ‘You're allowed.’

“Actually, allowed ako na hanggang tatlo ang puwede kong ipasok. Pero isa lang yung kapatid ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa kanyang opisina sa Legaspi Towers, na matatagpuan sa Vito Cruz. Manila, nitong Lunes, April 3.

NOT AFFECTED. Naapektuhan ba siya sa mga isyu sa kanya? Magiging dahilan ba ito para i-give up niya ang kanyang trabaho bilang COO ng TPB?

Sagot ni Cesar, “Hindi ka dapat maapektuhan.

“Kung magpapaapekto ka, wala, yun nga maggi-give up ka talaga. Pero hindi! 

“Pag nag-give up ka, nag-quit ka, ibig sabihin, tama sila. No!

“Actually, hindi sila ang boss ko rito.

“In-appoint ako ng presidente rito para ayusin ang opisinang ito. And that's what I'm going to do.”

Gusto raw ni Cesar na harapin at sagutin ang mga nagrereklamo sa kanya, pero hindi naman daw nagpapakita ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga ni Presidente, 'Kung totoo ‘yan, magdemanda sila.'

“Sa ngayon po, paano namin sila sasagutin?

“E, unang-una naman po, hindi totoo ‘yan, at hindi ko alam kung sinong gumawa niyan.”

Patuloy niya, “Ano ba itong nangyayari dito sa atin, kahit sino na lang puwede nating sirain.

“Kasi ang dali pala talagang manira ng tao ngayon.

“Halimbawa, may kumpanya ka, ‘Sirain ko lang ‘yan. Eto ginagawa niyan, mga ano ‘yan… magnanakaw ‘yan, merong hindi binayaran ‘yan.’

“Pero anonymous naman yung nagrereklamo, hindi sila nagpapakilala.

“Gaya nung mga alegasyon sa akin, hindi ko kilala kung sinong gumawa ng letter of complaint.

“Nagtatago sila sa dilim.

“Ako, nasa liwanag; sila, nasa dilim. So, paano kaming magkikita?”

Paghamon pa ni Cesar, “Magpakilala sila. Come forward, para makabalik din kami sa inyo.

“Of course, sasagutin ko lahat ng reklamo nila.”

PRESIDENTIAL APPOINTEE. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagtalaga kay Cesar sa kanyang posisyon.

Paano siya napili ni Pangulong Duterte para maging COO ng TPB?

“Well, noon pa talaga kasi, close ko na yung anak niya, si Pulo,” pagtukoy ni Cesar kay Paolo Duterte.

“Kapag pumupunta ako ng Davao, nagkikita kami ni Pangulo. Mayor pa siya nun.

"Nung tumakbo siya bilang Pangulo, nag-compose ako ng kanta para sa campaign niya.

“Dun na nagsimula ang lahat.”

Nung i-offer sa kanya ang posisyon, ano ang naging initial reaction niya?

Ayon kay Cesar, “Siyempre natuwa ako. Kinunsider ko ito, kasi kaya kong gawin ito. 

“Talagang noon pa passion ko na, e. Although this is really a new territory to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN