Are Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach still together?

by Bernie V. Franco
Apr 4, 2017
Marlon Stockinger shared on his Instagram Story a photo of him and girlfriend Pia Wurtzbach (left photo), a few days after the confirmation of model Kit Barraquias that Marlon is the biological father of her twin daughter. Marlon turns 26 today, April 4. 

Tila masayang ipinagdiwang ni Marlon Stockinger ang kanyang 26th birthday ngayong Martes, April 4, kasama ang girlfriend niyang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ibinahagi ng professional race car driver sa Instagram ang larawan nilang dalawa ni Pia habang naglalakad.

Pareho rin silang naka-shades.


Wala mang detalyeng ibinahagi si Marlon tungkol sa naturang larawan, tila kumpirmasyon ito na nananatiling matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng malaking isyung kinaharap ni Marlon kamakailan.

Continue reading below ↓

Nitong mga nakalipas na araw, usap-usapan sa loob at labas ng showbiz kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nina Marlon at Pia, matapos kumpirmahin ng modelong si Kit Barraquias sa PEP na may kambal silang anak ng racer.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Kit ay dating girlfriend ni Marlon.

Tatlong linggo bago pumutok ang balita tungkol sa pag-amin ni Kit na si Marlon ang biological father ng kanyang mga anak, sinabi ni Pia sa isang interview na wala siyang alam sa usap-usapang may anak na umano ang kanyang boyfriend.

Sabi pa ni Pia noon sa press: “Because if it does turn out not to be true, then the credibility of the media would be… I guess we just have to check the facts first, but I really don’t know.”

STORIES WE ARE TRACKING

Matapos lumantad ni Kit, wala pang reaksiyon mula sa kampo nina Pia at Marlon.

Subalit may lumabas na ulat sa iba't ibang news portals na in-unfollow diumano nina Pia at Marlon ang isa’t isa sa Instagram, dahilan upang isipin ng marami na nagkakalabuan na ang dalawa.

Continue reading below ↓

Naisulat din ang pagiging matamlay umano ni Pia sa isang event, kung saan siya ang host, noong Biyernes, March 31.

Hindi rin nagkaroon ng pagkakataong makalapit ang media kay Pia sa naturang event, upang ma-interview sana siya hinggil sa pagkumpirma ni Kit na may anak sila ni Marlon.

STORIES WE ARE TRACKING

Subalit hindi nagtagal, nakitang nag-follow muli sa isa't isa sina Pia at Marlon sa Instagram.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlon Stockinger shared on his Instagram Story a photo of him and girlfriend Pia Wurtzbach (left photo), a few days after the confirmation of model Kit Barraquias that Marlon is the biological father of her twin daughter. Marlon turns 26 today, April 4. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results