Kinumpirma ni Danica Sotto-Pingris na gusto nang magkaanak ng kanyang ama na si Vic Sotto at ng asawa nitong si Pauleen Luna.
Ayon sa TV host, “I think they're trying.
“Nandun sila sa stage na yun na they're trying. So, sana nga.”
Nabasa rin daw ni Danica ang Facebook post ni Pauleen Luna na “praying for miracle...”
Hinala ng marami, ang pagkakaroon ng baby ang tinutukoy ni Pauleen sa post niyang iyon.
Sabi naman ni Danica, “Sana... para rin ma-enjoy ni Daddy.
“Siyempre si Pauleen, bata pa naman siya.
“Pero si Daddy, para rin makasama pa niya.”
Hindi ba siya maiilang kung sakaling magkaroon siya ng baby sister or baby brother sa daddy niya at kay Pauleen?
Saad ni Danica, “Noong una, noong hindi pa sila kasal, parang nawi-weirduhan ako. Matanda pa yung dalawang anak ko.
“Parang iniisip ko rin, how will I explain to the kids?
“Pero siguro that's what makes our family special.
“Siguro yung grasya ng Panginoon na hindi man kami perfect kids, hindi man kami yung ideal family, pero at least, masasabi ko naman na wala naman ni isa sa mga relatives ko na may naapakan na tao.
“Parang happy naman sila, marangal naman ang pagiging masaya nila, so okey na rin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica sa relaunching ng Colours Channel ng Cignal TV noong nakaraang linggo.
Magkasama sina Danica at LJ Moreno sa bagong show na Mom Biz, na mapapanood tuwing Sabado, 7 P.M.
STEPMOM. Aminado si Danica na noong una ay may apprehensions siya sa pagpapakasal ng kanyang ama kay Pauleen.
Pero ngayon daw ay okey na lahat.
Saad niya, “Siyempre noong una, ang daming apprehensions.
“Siyempre, hindi naman siya yung normal na ano, di ba?”
Nang ikinasal sila noon January 30, 2016, si Vic ay 61 years old at si Pauleen naman ay 27 pa lamang.
Patuloy ni Danica, “Pero alam niyo, ang galing din naman ni God.
“Yung pagka-close namin ni Pauleen ngayon, hindi namin pinilit.
“Nangyari siya nang natural. Nakisama siya nang maayos.
“Siyempre, nakita ko rin kung paano niya alagaan si Daddy.
“Ganun din si Daddy, mapapansin mo rin naman si Daddy, mas magaan.
“In fact, noong renewal of vows namin ni Marc, parang we honored yung parents namin.
“Pero isinama ko na rin ang stepparents. So, Pauleen and my stepdad.
“Siyempre, feeling ko, may impact na rin sila sa mga buhay namin.”
Ang tinutukoy na “stepdad’ ni Danica ay si Ilocos Sur Rep. DV Savellano, ang third husband ng ina niyang si Dina Bonnevie.
Patuloy ni Danica, “Naka-adjust na rin kami.
“Although, yung iba, naiilang.
“Siguro, kapag nakikita nilang nagpu-post kami, ‘Ano ba 'yan, para lang kayong magbarkada.’
“Pero sa amin mismo, ha, wala na, wala na talaga kaming ilangan.
“Honestly speaking, masasabi ko nang diretso na wala na.”
FAMILY BONDING. Nabanggit din ni Danica na kung kailan nagkaroon ng asawa ang daddy niya, tsaka mas dumalas ang pagkikita-kita nila ngayon.
Madalas nga ay naipu-post sa social media kapag may family dinner sila. At kadalasan daw, si Pauleen ang nag-i-initiate nito.
Lahad ni Danica, “In fairness kay Pauleen, madalas na siya ang nag-i-initiate.
“Akala ko kapag ikinasal na, dedma-dedma na.
“Pero actually, mas nagkikita pa nga kami ngayon than when they were boyfriend-girlfriend.”
