Marlon Stockinger celebrates birthday with girlfriend Pia Wurtzbach

IMAGE Photos grabbed from Instagram

Marlon Stockinger and Pia Alonzo-Wurtzbach appear to be still happy together and seemingly unaffected by all the talks about his fatherhood.


Ipinagdiwang ni Marlon Stockinger ang kanyang 26th birthday kasama ang girlfriend na si Pia Wurtzbach nitong Martes, April 4.

Ang ipinost na picture ni Marlon kasama si Pia, sa araw ng kanyang kaarawan, ay malinaw na indikasyong nananatiling matibay ang relasyon nila.

Ito ay sa kabila ng malaking isyung kinakaharap ng Filipino-Swiss professional race car driver ngayon.


Noong nakaraang linggo, kinumpirma ng model na si Kit Barraquias na may anak sila ni Marlon.

Iang linggo bago mangyari ito, sinabi ni 2015 Miss Universe na wala siyang alam tungkol sa bali-balitang may anak si Marlon sa dati niyang girlfriend.

Bukod sa ipinost ni Marlon na larawan nila ni Pia gabi ng Martes, mapapanood din sa Instagram ang isang boomerang video kung saan magkasama sila sa loob ng kusina.

Kasama rin nila rito ang actor-athlete na si Ivan Carapiet, kaibigan ni Marlon, na siyang nag-post ng boomerang video.


Stories We Are Tracking

Are Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach still together?
Are Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach still together?
Model confirms Marlon Stockinger is the father of her twins
Model confirms Marlon Stockinger is the father of her twins

Mapapansin ding pareho ang suot nina Pia at Marlon sa boomerang video at sa larawang ipinost ng race car driver.

Kaya’t malaki ang posibilidad na ipinagdiwang ni Marlon ang kanyang kaarawan kasama si Pia at mga kaibigan.

Samantala, may nauna ring video na naka-upload sa Instagram kahapon mula kay @piamarl92216, kung saan binati ng kaibigang kumukuha ng video at si Pia ng 'Happy Birthday' si Marlon.

Ang video ay tila kuha sa isang restaurant kung saan ginawa ang birthday celebration ni Marlon.

A post shared by PiaMarl92216 (@piamarl922) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN