Piolo Pascual reacts strongly to 'gamitan issue' with Shaina Magdayao

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual is losing his cool over malicious rumors casting him and rumored girlfriend Shaina Magdayao in a bad light. "Hindi na maganda ang sinasabi ng mga tao… parang gusto mo na lang manugod, gusto mo na lang mag-confront ng tao. Tama na," he bristles.


Para kay Piolo Pascual, nararapat lamang matuldukan na ang isyu ng gamitan sa pagitan nila ni Shaina Magdayao.

Usap-usapan kasing ginagamit lang daw ni Piolo ang rumored relationship nila ni Shaina para sa promo ng pelikula niyang Northern Lights.

At diumano, ginagamit din ito ng aktres para sa promo naman ng teleserye niyang The Better Half.
   
Pahayag ni Piolo, “Tantanan na natin 'yang issue na 'yan kasi di na maganda ang sinasabi ng mga tao.

“Minsan parang gusto mo na lang manugod, gusto mo na lang mag-confront ng tao.

“Nananahimik kami, kayo yung tanong nang tanong, tapos pag sinasagot, magre-react kayo.
    
“Damn if you do, damn if you don’t."

Ayon pa sa Kapamilya actor, "Tapos na yung promo ng pelikula, ang daming beses na naming sinagot.

“Tama na, hanggang dun na lang yun.”
 
And mahalaga sa lahat, ayon kay Piolo, “our relationship is okay, we have an open line, and we are good.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa rehearsal ng Star Magic U.S. Tour, kahapon, April 4.
 
MOVIE WITH SHAINA AND LAV. Samantala, kinumpirma ng aktor na isang pelikula ang pagsasamahan nila ni Shaina sa direksiyon ni Lav Diaz.
   
“It’s an exciting film, to be working with Lav Diaz is always a milestone.

“He’s one of a kind, it’s a privilege to be be given a chance to work with a great director.

“I will not pass up that chance, kasi bihira kang mabigyan ng ganung pagkakataon.
  
“Mas madaling magtrabaho pag pareho kayong devoted, pareho kayong passionate sa craft ninyo.”

Unang nagkatrabaho sina Piolo at Direk Lav sa critically-acclaimed film na Hele Sa Hiwagang Hapis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN