Andi Eigenmann defends self, boyfriend Emilio Arambulo against allegations of Jake Ejercito

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann on Jake Ejercito's family: "I'm just really being honest telling you the truth but, for sure, since they don't like me, all of these that I am saying, it's all gonna be wrong. Kasi nga, ayaw nila sa akin. Nag-give up na ako trying to make them like me."


Ipinagtanggol ni Andi Eigenmann ang sarili sa espekulasyong kaya nag-file ng petition for joint custody si Jake Ejercito para sa kanilang anak na si Ellie ay dahil sa madalas na paglabas-labas ng aktres kasama ang boyfriend nito ngayong si Emilio Arambulo.

Dahil daw rito kaya madalas naiiwan ang bata.

Pahayag ng Kapamilya actress, “That’s what I don’t understand, e, laging kinukuwestiyon na magkakasama kami [ni Emilio].

“Siyempre may sarili na akong pamilya, pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na pamilya ni Jake si Ellie.

“Pero sinasabi niya rin na lagi kong iniiwan ang anak ko, na lagi kong kasama ang boyfriend ko.

“Hindi kasi ako nagpo-post ng pictures the three of us on Instagram.

“Kasi sa akin, that’s the least that I can do, maging sensitive naman ako na nasa akin na nga ang anak ko, yung tatay pa… parang mang-aasar pa ba ako, na sasaktan ko pa na family ako with someone else?”

Patuloy ni Andi, “Sinave ko na yun for my personal use.

“Hindi naman kailangan lahat ipo-post mo sa Instagram.

“Si Ellie, kaunti lang ang pictures sa Instagram. Hindi naman kailangang i-share palagi.

“Pero pinagbibintangan naman ako ngayon na iniiwan ko ang anak ko para mag-loving-loving kasama ko ang boyfriend ko.

“E, di sige, gusto mo post na lang ako palagi ng pictures naming tatlo para lang ma-prove ko sa iyo na kasama namin siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa finale presscon ng ABS-CBN afternoon drama series na The Greatest Love noong Linggo, April 2.

ANDI’S BOYFRIEND. Ayon kay Andi, maganda ang relasyon ng kanyang anak at ng kanyang boyfriend.

Pero hindi raw ito nangangahulugang kinukuha ni Emilio ang lugar ni Jake bilang ama ni Ellie.

“Oo naman, mahal na mahal ni Emilio si Ellie, and I know that it’s the same, she said so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I wanted to be clear that he will not ever try to take Jake’s place. Hindi niya gagawin yun.

“Hindi naman siya bastos at saka di naman kailangan.”

Sabi naman ni Andi tungkol kay Jake, “I’m not ashamed… just because of all the time that he hurt me or we hurt each other, may kasalanan din naman ako.

“I’m not gonna be ashamed to still say, of course, he’s a good guy, pero hindi kami good for each other.”

Ibinahagi rin ni Andi na ninais ni Emilio na kausapin si Jake para ayusin ang anumang alitan sa pagitan nila.

Lahad ng 26-year-old actress, “Hindi niya maintindihan kasi iba sila mag-isip.

“Sabi niya sa akin, ‘Alam mo, kausapin ko na lang kaya si Jake? Baka puwede ko siyang kausapin to understand na hindi kita inaagawan. Huwag kang mag-alala, sobrang love ka ni Ellie.’”

Sabi raw ni Andi sa boyfriend, “Lalo pang magagalit yun. Hindi ganun yun, hindi ganun kasimple, hindi ganun kadali.”

Diin pa niya, “Hindi siya nakikialam, basta ang kanya, ‘Babe, I am here for you, I love you, and I won’t ever let anything bad happen to you.’

“Siya yung proof na the text messages, all of those that Jake have saved, ‘Really, are you like that before? Are you serious? You are so crazy before!’

“Living proof na nagbago na ako, tumanda na ako.”


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Andi Eigenmann alarmed over Jake's joint custody petition
Andi Eigenmann alarmed over Jake's joint custody petition
Jake, Andi in another Twitter war?
Jake, Andi in another Twitter war?
Andi Eigenmann flaunts relationship with non-showbiz BF
Andi Eigenmann flaunts relationship with non-showbiz BF

ELLIE KNOWS. Alam din daw ng five-year-old daughter niya ang malalim na hindi nila pagkakaunawaan ni Jake.

“Sobrang sensitive niya, alam niya na dati.

“One time, sabi niya sa akin, ‘Mom, would you be friends naman with Dad?’

“Tapos ako, kasi para nga kaming friends, di ba, ‘I don’t know. You ask him na lang.’ Tumatawa lang.

“Nagkukuwento siya sa akin siyempre, pero secret na niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not my story to tell, that’s their relationship na.

“Just as much na wala siyang karapatan na pagsalitaan ako, husgahan ang buhay ko, pagkatao ko ngayon

“Kasi ako, di ko yun gagawin ngayon,” pagtukoy ni Andi kay Jake.

FINANCIAL SUPPORT. Ayon kay Andi, walang financial support na ibinibigay si Jake para sa kanilang anak.

“Wala, hindi nga kami nag-uusap.

“Dati nung nag-aaral pa sa school niya, hindi na siya nag-aaral dun kasi big school na siya.”

Hindi kaya nagseselos lang si Jake kaya ginagantihan siya nito sa pamamagitan ng pagpa-file ng joint custody?

Tugon ni Andi, “I don’t want to say that, ang yabang ko naman kung ganun.

“Saka sana hindi talaga, please, Lord.

“Hindi ako confused, I’m so sure, kasi masisira ang happiness ko.”

STILL AN EIGENMANN. Kay Andi rin nanggaling na hanggang ngayon ay isa pa ring Eigenmann si Ellie kung legalidad ang pag-uusapan.

“Hindi pa siya recognized as father.

“Before petition for joint custody, dapat recognized father. Yeah, Eigenmann."

Bukas naman daw ang aktres sa gustong mangyari ni Jake, ang hiling lang niya ay huwag siyang siraan at ilayo sa kanyang anak.

“Game ako, pero kailangang maayos and it’s not a set up to take her away from me.”

Tanggap din daw ni Andi na hindi siya gusto ng pamilya ni Jake.

“I don’t think the family really likes me.

“I don’t think they really did, and it’s okay with me.

“You cannot please everybody and yun din ang sa akin.

“Feeling ko, kaya nagkaka-misunderstanding, kasi pag ayaw mo ang tao, ayaw mo naman talaga siya.

“Wala ka namang magagawa, lahat mali.

“Ako, sa ginagawa kong ito, 'Oh, I’m doomed, I’m so dead.'

“I’m just really being honest telling you the truth but, for sure, since they don’t like me, all of these that I am saying, it’s all gonna be wrong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga, ayaw nila sa akin.

“Nag-give up na ako trying to make them like me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN