Andi Eigenmann on boyfriend Emilio Arambulo: "Our relationship is very serious."

IMAGE Andi Eigenmann Instagram

Andi Eigenmann on boyfriend Emilio Arambulo: "I feel that we really get along, bagay lang talaga siguro kami. Pareho kami ng paninindigan, pareho kami ng goals in life, pareho kami ng pag-iisip at paniniwala na, yun nga, hang loose lang ba."


Ayon kay Andi Eigenmann, seryosohan talaga ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend na si Emilio Arambulo.

Saad ng Kapamilya actress, “Hindi naman siya nag-propose but, you know, our relationship is very serious.

“Hindi naman siya basta-basta lang. It’s very serious.

“I’m welcomed by his family and he’s also welcomed by mine; my family loves him too.

“It’s there, it’s at that level already, there’s no end.

“We don’t see an end in this, and all we’re trying to do...

“Aside from being tatlong barkada kami, tatlo na lagi kaming buntot-buntot, nagpe-prepare pa lang kami for that.

“Nagse-save ng money and stuff like that for the future."

Ang tinutukoy ni Andi na "tatlong barkada kami" ay sila ni Emilio at ang anak niya kay Jake Ejercito na si Ellie.

Patuloy niya, "There’s no need to rush naman.

“I feel that we really get along, bagay lang talaga siguro kami.

“Pareho kami ng paninindigan, pareho kami ng goals in life, pareho kami ng pag-iisip at paniniwala na, yun nga, hang loose lang ba.”

LIVING TOGETHER? Totoo bang nagli-live in na sila ni Emilio?

Ayon kay Andi, “Not really, he lives with his family.

“Pero as a way of compromise to make our relationship easier... I have a kid na kasi, siya ang katulong ko.

“Pag may taping ako, siya ang naghahatid kay Ellie sa school pag wala siyang work or pag kaya naman.

“Share kami talaga.”

Diin niya, “Hindi siya nagpapaka-tatay, pero nagpapaka-helper siya sa akin, supportive siya sa akin.

“Pag minsan, if it’s more convenient.

“Masama ba talaga yun?

“E, nakakatulong nga sa akin sa pagiging nanay ko, kumakayod ako para mabayaran.

“I support her by myself lang naman.”


STEPFATHER OF ELLIE. Sa palagay ba ni Andi ay handa na si Ellie na magkaroon ng stepfather?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng aktres, “Well, she’s only five years old, saka magtu-two years na kami ni Emilio.

“So, parang magpo-four si Ellie nung magkakilala kami.

“So, parang alam niya, tanggap niya.

“Alam niya na kaming tatlo, may sarili kaming pamilya. Pero siya rin, with her dad.

“Emilio, wala, bestie.”

Naipaliwanag na ba niya kay Ellie ang setup ng pamilya nila?

Saad ni Andi, “Explain the setup? It didn’t need any explanation kasi parang nakikita na niya yun, she lives a part of that.

“Basta alam na niya, it’s Nanay [Jaclyn Jose]; Kier, yung brother ko; Emilio; ako and siya, isang family kami.”

Taken seconds before the last sunset of 2016. #MermaidWanders #theBelle ???? @toniotakesphotos

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN