James Reid and Nadine Lustre accused of rude behavior by concert producer

by Arniel C. Serato
Apr 5, 2017
Tikom pa ang bibig nina James Reid at Nadine Lustre kaugnay ng mga akusasyon ng producer ng concert nila sa California na diumano'y hindi sila naging cooperative, maging ang kanilang handlers, sa activities na dapat nilang sundin bago ang nakatakda nilang concert noong March 31.

Nanggagalaiti sa galit ang isang California-based concert producer dahil sa pambabastos umano na naranasan niya mula sa mga namamahala kina James Reid at Nadine Lustre.

Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng kanyang sama ng loob ang tagapamahala ng Entablado Production USA LLC na si Elaine Crisostomo laban sa dalawang Viva stars.

Si Elaine ang producer ng San Francisco leg ng Always JaDine: US Tour 2017, na ginanap sa Chabot College, Hayward, California, noong March 31.

Pamilyar marahil ang pangalang Elaine Crisostomo dahil siya ang lesbian na naka-live-in dati ng aktres na si Desiree del Valle.

Naugnay rin ang pangalan niya sa dating aktres na si Aiza Marquez.


Continue reading below ↓

Ngayong Miyerkules, April 5, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng email mula sa isang anonymous source.

Dito ay ibinahagi niya ang screen shots ng Facebook posts ni Elaine tungkol sa pambabatos umanong naranasan nito mula kina James at Nadine.

Agad naming hinanap sa Facebook ang account ni Elaine.

Makikita pa rin sa kanyang account ang mga ipinadala sa aming screenshots ng posts niya tungkol sa JaDine.

Sa kanyang tinawag na "official statement of the JaDine tour," idinetalye ni Elaine ang hirap na naranasan niya at ng kanyang produksiyon sa apat na araw na pakikisama kina James at Nadine.

Ayon pa sa kanya, maraming mga nakalatag na schedule para sa kanilang pre-show ang hindi nasunod ng JaDine.

Narito ang bahagi ng opisyal na pahayag ni Elaine:

“First: OJD - entablado doesnt handle the program of viva. Sila po ang humahawak ng program nila, never kong nakita or pinakita man lang sa akin kong anong mangyayari sa concert ko.

Continue reading below ↓

"Maiksi talaga ang show, dahil nagsho show din ako. Viva holds this responsibility not Entablado. Taga bili lang ako ng show nila, sila ang program.

“Second: LUNCHDATE with Jadine, Unang una, hindi ako mag po promote sa FB ko publicly or maniningil kong hindi alam ng viva at ng promoter.

"I also waited ng ilang oras sa baba ng lobby.

"Attached are the text message ng mga tour manager at promoter na bababa na.

"Nasa second floor lang naman ang mga artista at nakikiusap ako kong pwede kahit bumaba lang.

“Third: PHOTO-OPT kong nakakapnta kyo sa iba kong concert napaka luwag ko sa photo opt, VIVA at NY entourage din po ang namahala sa photo opt.

"Overall: walang nagawa ang production company ko kasi sila lahat ang nasunod:

"4 days ko kasama ang Jadine not even once nakausap ko or nakapag pa picture man lang ako dahil laging wala, laging late umuuwi, napakahigpit ng mga alalay nila, madaming bawal.

Continue reading below ↓

"Producer ako, binili ko ang show pero hindi man lang ako nirespeto ng mga tao/artistang dumating sa SFO.

"Kahit na 5mins man lang na pag baba sa lunch date ng fans, wala!!!! Ginawa nilang tanga lahat ng tao dito sa SFO.

“Mga volunteers ko ilang araw walang tulog, ilang araw nag absent sa mga trabaho nila, para lang makatulong sa entablado not even a thank you from the artist, WALA! Kung utos utosan pa akala nyo mga katulong ninyo.

“Photographers and videographer, bawal daw picturan kasi property of viva.

"Videographer ko galing pang bakersfield, ano to ginto artista nyo. Photographers ko OMG was kicked out also!!'

"Wala akong nagawa sa concert ko, dahil over power nila ako.

"Ilan beses na din nilang ginawa ang hindi pag sipot sa lunch date ng ibat ibang state?

"Ugali ba talaga ito ng jadine ang hindi makipag minggle sa fans or and management nila?

Continue reading below ↓

"Kayo na ang humusga."

MEET AND GREET. Isa rin sa ikinagalit ni Elaine ay ang hindi umano pagsipot nina James at Nadine sa meet and greet sa California at sa show nito sa New York.

Narito ang sinabi ng producer tungkol dito:

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Elaine, isiniwalat niya ang katotohanan dahil nagawa naman daw nila lahat ng demands ng kampo nina James at Nadine.

Continue reading below ↓

OLD COURT CASE. Ayon sa isang taong malapit sa VIVA Entertainment, ang namamahala sa career nina James at Nadine, hindi raw maglalabas ng statement ang Viva tungkol dito.

Pero isa sa mga nakasama nina James at Nadine na si Chad Kinis, isang stand-up comedian, ang hindi nakapagpigil na sagutin si Elaine.

Pinalagan nito ang mga paratang ni Elaine.

Tinawag pa niyang "scammer" ang nasabing producer.

Narito ang buong post ni Chad sa kanyang Facebook account kahapon, April 4:

"This is to answer the BULLSHIT of ELAINE CRISOSTOMO the SCAMMER OF ALL SEASONS and the leader of hnmm shoulp i say company? No perhaps it is more of a SYNDICATE, ENTABLADO PRODUCTION LLC.

"Gusto ko sana makiusap sayo na tigilan mo na ang pagsisinungaling at panloloko ng mga tao. Pero mukhang mahirap na yan. Sakit mo na kasi. And it is worse than cancer. ISA PA, STOP ACTING INNOCENT AT PARANG IKAW ANG BIKTIMA DAHIL ALAM MO SA SARILI MO NA IKAW ANG KRIMINAL.

Continue reading below ↓

"Pinalampas ko na ang atraso mo samin ng pinsan ko while we were there sa SFO dahil pinakiusapan ako ng VIVA MANAGEMENT at NY ENTOURAGE and GF BAYONA PRODUCTION na wag idamay ang personal na issue ko sayo sa panlolokong ginawa mo samin noon. Dahil first time ka nila nakatrabaho at nagtiwala sila sayo. Pero anong ginawa mo NILOKO mo pa din silang lahat including the EVER LOVING AND SUPPORTIVE JADINE FANS. So this is just a story that happened just to us personally noon. Para lang malaman ng lahat ang side ko at hindi yung rant ka ng rant about me tapos nakablock ako sayo para di ko makita at di ko masagot ang kasinungalingan mo. Well this time makarating sana sa iyo ito at malaman ng lahat.

"I will make it short as much as i can. Binabaliktad mo ang story kung bakit ka nakulong noon sa pilipinas. At sasabihin mo na lumang issue. Yeah it is old pero hindi mo maiaalis ang KATOTOHANAN na NANGYARI at TOTOO yun! You scammed my cousins of almost 40K USD. Promised he would earn double or even triple. But what did you do. Tinakbo mo pera, nilustay mo. Di ka nagpakita sa said show na iproproduce nyo sa pinas and my cousin shouldered it all para di siya masira. Luckily natyempuhan ka sa pinas at nahuli ka.

Continue reading below ↓

"Sasabihin mo di ka nakulong eh may mugshots ka pati ang JOWA mong si KATRINA dahil magkatulong kayo! Di na kau naawa sa pinsan ko na umuwi from US sold everything he has just to put up the money para kumita ng marangal pero niloko nyo. Yung mugshots na sasabihin mong PEKE at sa CR lang kinuhanan. Kung Di yun totoo, ano, BALIW KA LANG NA NAGPASELFIE KA NG IBA'T IBANG ANGGULO PATI ANG JOWA MO? Hindi TANGA ANG TAO! SASABIHIN MONG WALA KA RECORD?

"Eh bakit di ka makauwi? Tapos sabi mo di ka nakulong, at kaya kay may warrant ay dahil di ka umattend ng hearing? Kinasuhan ka nung nasa pinas ka kaya nga may MUGSHOTS KA NA NAKUHAN EH BOBO! Palusot mo bulok! Nagpyansa ka at tumakas! Yun ang nanyare, hinahanap mo pinsan ko pata kasuhan? Alam na alam mo ang address nya at hindi NPA ang pinsan ko. Hinahanap ka din nya. And nga pala, bakit madami naniningil sau sa collections?

Continue reading below ↓

"Diba dahil sa mga perang itinakbo mo. I can't imagine kung paano ka kumakain na galing sa panloloko ang perang ginagamit mo. And wag mo isumbat sakin na dahil sayo nakapunta ako ng America, ULOL! Company ko at NY entourage nagdala sakin ng America. Kung alam ko nga lang na ikaw producer sana hindi na ako sumama. Producer ka pero bakit threatened ka sa mere presence ko habang nasa SFO? KASI ALAM MO NA GUILTY KA AT ALAM MO ANG KATOTOHANAN! MANLOLOKO KA, SCAMMER, ESTAFADORA! Ugali mong mambaliktad ng storya at magpaawa sa mga tao. Well, TRUTH SHALL PREVAIL! Tapos what happened ngayon sa SFO show, niloko mo na naman ang mga tao. I will leave that story sa kinauukulan. At sila na bahala sa kagaguhan mo!

"These mugshots and warrant of arrest is old BUT THIS IS LEGIT! IKAW ANG HINDI! LEGIT MO YANG MUKHA MO!!!!”

"Sinamahan niya ito ng mug shots ni Elaine at ng karelasyon niyang si Katrina na nahuli dahil sa kasong estafa."

Continue reading below ↓

Pero bago pa man ang rant na ito ni Chad, may sagot na si Elaine dito noonng April 3:

“Ibabato sa akin kaso ko DAW sa pilipinas, warrant of arrest ko daw sa pilipinas - warrant of arrest kasi d ako naka attend ng demanda nilang peke akong producer sa pilipinas lolzzzz, they sued me while im here... nakakatawa talaga sila, hello!!! Lumang storya na yan, yan nlang ba ang pwede ninyo ibato sa akin...

Continue reading below ↓

"That was 3 years ago at HULIDAP po ang ginawa sa akin dun. Kaso ko "Pekeng Producer" ako LOLZ....

"2nd: NYC Jadine Producers- mga walang perang panglabas sa 2nd and 3rd downpayment ang mga producer dun, sino naglabas ng pera "edi Entablado Production" kami ni jayster ang nag asikaso sa lintik na Jadine NYC production na yan... up to the last minute, kami ang naglabas ng pera. tapos ako pa masama sa NYC at FANS... the venue was names sa akin din "colden" sino ngayon hahabulin ng tax , sa dami ng tulong ko , ako pa ang ginago!!!

"Dapat pala hindi na tinuloy itong Jadine tour, this has been the most stressful tour i have ever encounter."

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Read More Stories About
James Reid, Nadine Lustre
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tikom pa ang bibig nina James Reid at Nadine Lustre kaugnay ng mga akusasyon ng producer ng concert nila sa California na diumano'y hindi sila naging cooperative, maging ang kanilang handlers, sa activities na dapat nilang sundin bago ang nakatakda nilang concert noong March 31.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results