Ina Feleo opens up about Italian boyfriend: "I'm super happy and surprised at how easy it feels."

IMAGE Noel Orsal / Ina Feleo Instagram

Ina Feleo on long-distance relationship with Italian boyfriend: "'m super happy and surprised at how easy it feels. Kasi dati, takot ako makipag-date sa foreigner. Feeling ko, baka di kami magkaintindihan. Pero hindi naman pala ganun. I like him because he's super-supportive of me."


Tila maaga pa para sabihing natagpuan na ni Ina Feleo ang kanyang destiny, pero very happy ngayon ang love life ng 30-year-old actress.

Italyano ang boyfriend ni Ina, na nakilala niya two years ago sa Venice nang magbakasyon sila sa Italy ng kanyang ina na si Laurice Guillen at elder sister na si Ana Feleo.

Giacomo Gervasutti ang pangalan ng kanyang Italian amore na isang pure Venetian.

33-year-old Giacomo does special tours for tourists in Venice and owns a shop in Piazza San Marco selling photos that he also took of Venice.

Bes, diet na tayo tama na to????

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo) on

Kuwento ni Ina, “Two years ago kami nag-meet, pero nagsimula lang kaming mag-email sa isa’t isa last year at dun nagsimula.

“Nagulat ako na he was really serious pala about coming to the Philippines.

“So, yun, nung winter sa kanila, pumunta siya rito.

“We went to Boracay, Sagada and Palawan.

“Super na-in love siya sa Pilipinas! Babalik ulit siya this year!”

Bumalik na ng Italy si Giacomo, pero kinikilig si Ina nang sabihin niyang so far, so good ang kanilang long-distance relationship.

“I’m super happy and surprised at how easy it feels.

“Kasi dati, takot ako makipag-date sa foreigner. Feeling ko, baka di kami magkaintindihan.

“Pero hindi naman pala ganun. I like him because he’s super-supportive of me.

“And if you know me well, you know that I’m the kind of person who needs support!” natatawang pag-amin ni Ina.

Art-y at Pinto Museum????

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo) on

Patuloy niya, “Kahit tapang-tapangan ako, medyo weak at sensitive talaga ako, sa totoo lang.

“Giacomo inspires me to be better and have more confidence in myself. And I think that’s important.

“Actually, siya yung nag-suggest na name ko ang ilagay ko sa apparel business ko.

“I think it’s also how I want to brand myself now apart from my brand as a character actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin yon na off-cam, may ganun pang extra something about me.”

Ang tinutukoy ni Ina na apparel business niya ay ang INA Activewear.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN