Nagsalita na si Jerika Ejercito tungkol sa kumalat na private video ng dating karelasyon na si Bernard Palanca.
Sa interview kay Jerika sa isang charity event ng Center for Aesthetic Study, noong April 2, sinabi nitong wala siyang alam sa mga ginagawa ni Bernard simula noong naghiwalay sila noong 2016.
Kaya wala rin daw siyang masasabi sa eskandalong kinasangkutan ng ama ng kanyang anak.
Pahayag ni Jerika, “Personally, nothing, kasi matagal na kaming hiwalay.
“As a mother, since may anak kami, I’m very concerned with my child.
“But luckily, my son is only three years old, so he’s not yet aware and I still got lead time to think of a proper answer when the time comes that he asks me regarding that.”
Nag-viral sa social media noong nakaraang buwan ang isang maselang video ni Bernard, kunsaan pinapaligaya nito ang kanyang sarili gamit ang isang sex toy.
Sunod na kumalat ang isang selfie ni Bernard kunsaan in full view ang kanyang pagkalalaki.
Ayon kay Jerika, kung ano ang mga eskandalong kinasasangkutan ni Bernard ngayon, ginusto raw siguro ito ng aktor.
Matagal na rin daw silang hindi nagkikita o nagkakausap ng aktor.
“Alam naman din ng iba na we’ve been separated for a very long time.
“Yung nangyari sa kanya, that is his very own choice, this is all his decision.
“Labas na ako diyan,” saad niya.
Si Jerika ay anak ni dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.
