UPDATED. Nadine Lustre hits back at concert producer accusing JaDine of rude behavior

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre hits back at concert producer Elaine Crisostomo who accused JaDine of rude behavior at their concert in San Francisco. "[B]efore you spread shenanigans about us, PAY UP. You owe a lot of people money."


Nag-react si Nadine Lustre sa bintang ng isang concert producer na nagpakita umano sila ni James Reid at ang kanilang kampo ng kagaspangan ng ugali sa concert nila sa Amerika kamakailan.

Kahapon, April 5, inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Facebook posts ni Elaine Crisostomo ng Entablado Production USA LLC, na nag-produce ng concert ng JaDine sa San Francisco, USA.

Ayon kay Elaine, pinahirapan at binastos umano ng kampo ng JaDine loveteam ang kanyang production team.

Hindi rin umano nasunod ang karamihan sa inilatag nilang schedule, kagaya ng hindi pagsipot nina James at Nadine sa dinner kasama ang JaDine fans na nagbayad pa man din daw.


Stories We Are Tracking

JaDine accused of rude behavior by concert producer
JaDine accused of rude behavior by concert producer

NADINE REACTS. Ngayong Huwebes ng umaga, April 6, nag-tweet si Nadine ng kanyang reaksiyon hinggil sa mga alegasyong ito.

Hindi man direktang tinukoy ng aktres, malinaw na sagot ito sa ibinibintang sa kanila ng concert producer.

Depensa ng aktres, sila at ang kanilang fans ang naloko sa sitwasyon.

Unang tweet ni Nadine: “1 thing that I learned tho.. ALWAYS update everyone with what's legit and what is not, so JaDines wont be tricked.”

Ayon pa kay Nadine, hindi raw nagbayad ang producer.

“[A]nd before you spread shenanigans about us, PAY UP. You owe a lot of people money.”

Sinagot din ng Kapamilya actress ang isang netizen (@lynettecute26) na nag-tweet na ayusin daw nila ni James ang kanilang ugali dahil binastos nila ang fans club nila sa US.

Ni-repost pa ng netizen ang screenshots ng Facebook rants ni Elaine.

Simpleng tugon ni Nadine sa netizen: “R U OKAY?”

ELAINE RESPONDS. May sagot naman agad si Elaine sa sinabi ni Nadine na may utang umano siya.

Sabi ni Elaine sa kanyang Facebook post ngayon ding araw: "Pay up? Tell that to your manager Gf bayona.

"Nasa kanya lahat ng pera ng lunch ng fans...

"Alamin mo muna totoo neng?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip ng FB post ni Elaine ay ang screen shot ng mga resibo ng ibinigay diumano niya sa manager nina Nadine at James.

Sa comment section ay sinabihan pa ni Elaine si Nadine na hindi na lang daw sana ito sumagot.
"Grabe. D dapat na sya sumagot. Magmumukha siyang tanga, dahil wala syang alam sa likod ng production."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN