StarStruck alumnus Elyson de Dios praised by Jaclyn Jose for his looks and star quality

IMAGE Noel Orsal

Elyson de Dios on award-winning actress Jaclyn Jose's nice words about him: "What she said about me really lifted my spirit at sobrang nakaka-overwhelm kasi sa kanya galing. Words cannot express how grateful and honored I am to be praised by the Jaclyn Jose."


Nagulat at natuwa ang StarStruck 6 First Prince na si Elyson de Dios sa mga magagandang sinabi sa kanya ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Magkatrabaho ngayon ang dalawa sa bagong afternoon comedy-drama series ng GMA Network na D’Originals.

Sa press launch ng D’Originals noong Miyerkules, April 5, sinabi ni Jaclyn na bukod sa guwapo si Elyson ay may future at sisikat ito.

Pahayag ng veteran actress, “Gusto ko lang sabihin, kasi itong si Elyson, siya lang ang bago [sa cast], pero ang guwapo-guwapo niya.

“I think he's gonna get there. I feel na someday he'll be there.

“I don't know, but I have this gut feel. Good luck!”

Sobra namang na-flatter ang 17-year-old Kapuso actor sa mga sinabing iyon ni Jaclyn.

Saad ni Elyson sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagulat ako at natuwa at the same time, kasi sobrang hindi ko in-expect.

“What she said about me really lifted my spirit at sobrang nakaka-overwhelm kasi sa kanya galing.

“Words cannot express how grateful and honored I am to be praised by the Jaclyn Jose.”

NEW PROJECT. Pagkatapos mahirang na First Prince sa StarStruck 6 noong 2015, napanood si Elyson sa teleseryeng Poor Señorita, na pinagbidahan ni Regine Velasquez.

Ang kanyang ka-love team doon ay ang First Princess ng StarStruck 6 na si Ayra Mariano.

Napanood din siya sa ibang shows ng Kapuso network, tulad ng Sarap Diva, Maynila, Love Hotline, Magpakailanman, Taste Buddies, at Pepito Manaloto.

Labis ang pasasalamat ng Cebuano teen na nakasama siya sa D’Originals dahil nakatrabaho niya ang mga mahuhusay na veteran stars tulad nina Jaclyn Jose at Jestoni Alarcon

Ayon kay Elyson, “Sa totoo lang, hindi naman ako kinakabahan, kasi mabait silang lahat, gaya na lang ni Tita Jaclyn Jose.

“Thankful po ako sa GMA na isinama nila ako sa show na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN