Mayor Lani Mercado to skip birthday celebration due to Bacoor fire

IMAGE Gorgy Rula

Bacoor Mayor Lani Mercado: "Yung gustong magregalo sa akin, huwag niyo na ho akong regaluhan. Tulungan niyo na lang ho ang mga kababayan po naming nasunugan by means of giving donations; siguro pagkain, tubig, damit, toiletries."


Ipagdiriwang ni Bacoor Mayor Lani Mercado ang kanyang 49th birthday sa April 13, pero hindi raw niya ito isi-celebrate.

“Malungkot yung kaarawan ko kasi nasunugan po ang aming lungsod, at ito ang biggest calamity so far sa amin.

“Malaking dagok po ito sa amin,” malungkot na pahayag ng actress-politician, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa programang Showbiz Talk Ganern ng dzRH.

Ang tinutukoy na sunog ni Lani ay ang nangyari sa Brgy. Maliksi, Bacoor, noong Huwebes, April 6.

Dahil dito, hindi raw magawa ni Lani na magdiwang ng kanyang kaarawan dahil mas marami sa constituents niya ang nangangailangan ng tulong pagkatapos nilang masunugan.

Tantiya nito, halos 2,500 katao ang nawalan ng tahanan, kaya pansamantalang inilikas muna ang mga ito sa Maliksi Elementary School.

Hindi pa masabi ni Lani sa ngayon kung hanggang kailan mananatili roon ang mga biktima ng sunog, dahil inaayos pa nila ang resettlement at ang iba naman ay balak na lang umuwi sa kanilang probinsiya.

Pahayag niya, “Right after mag-settle ang ilan sa mga kababayan natin doon sa Maliksi Elementary School, nag-convene agad kami ng Bacoor Disaster Council at pinagtanungan namin kung paano namin sila mapapakain, matutulungan yung mga taong naninirahan sa Maliksi Elementary School.

“Siyempre, hindi maging sapat ang pondo namin kung magtatagal po sila at maghihintay kung magdedesisyon sila kung gusto ba nila ng resettlement, kung gusto ba nilang bumalik na lang sa probinsiya, saan ba nila gustong pumunta.

“Hinihintay pa namin kung ano yung desisyon po nila, lalo na ngayong magli-Lenten season na napakainit pa, at siksikan po sila sa elementary school na ito.”

ASKING FOR DONATIONS. Kaya sa halip daw na mag-celebrate ng kanyang kaarawan at tumanggap ng regalo, mangangalap na lang daw sila ng donasyon o tulong sa mga kababayan niyang nasunugan.

Saad ni Mayor Lani, “Nakikiusap kami sa mga kababayan natin na may magandang loob as part of your sacrifice ngayong Lenten season, kahit papano makatulong po kayo sa mga nasunugan dito sa lungsod ng Bacoor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung gustong magregalo sa akin, huwag niyo na ho akong regaluhan.

“Tulungan niyo na lang ho ang mga kababayan po naming nasunugan by means of giving donations; siguro pagkain, tubig, damit, toiletries.

“May need po kami na mga diapers sa mga bata na nandito at saka mga feminine hygiene kit.

“Bahala na po kayo kung ano ang gusto niyong i-donate.

“Ang pondo po namin, may hangganan din sa local government unit.

"Hindi po namin kakayanin pag tatagal po sila dito sa Maliksi Elementary School."

Sa mga interesadong tumulong, may City Social Welfare Department (CSWD) desk daw sa lobby ng Bacoor City Hall na puwedeng doon na raw ipadala ang gustong ibigay na tulong.

Pakiusap ni Lani, “Para po sa mga gustong mag-donate ang city government po ay merong lamesa sa lobby ng city hall na nag-accept po ng donations para dito o kaya puwede kayong rumekta na sa Maliksi Elementary school, meron po kaming City Socal Department table po doon na nag-a-accept po ng tulong mula sa ating mga kababayan.

“Over the weekend, hindi naman po bukas ang city hall, kaya relyebo po ang mga tao namin doon, at tumatanggap po ng donations doon sa Maliksi Elementary School.”

FAMILY FIRST. Gusto lang daw ni Lani na makasama ang kanyang pamilya sa mismong kaarawan niya, at iisa lang ang kanyang wish—ang makapiling ang kanyang nakapiit na mister na si former Senator Bong Revilla Jr.

Saad niya, “Ang wish ko naman siyempre, yung makapiling si Sen. Bong na ma-out on bail siya para sa pamilya po namin.

“Siyempre magta-tatlong taon na po siyang hindi namin kapiling.

“Kung bibilangin po sa June, three years na hindi po namin siya kasama.

“That is my personal wish.

“On a professional note, siyempre na mabiyayaan ako ng lakas ng kalooban, ng katawan at pag-iisip para mas lalo ko pa pong mapaglingkuran ang aking mga constituents dito sa lungsod ng Bacoor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN