Andi Eigenmann hits back at bashers who called her a "bad mother"

IMAGE Courtesy of @andieigengirl on Instagram

Andi Eigenmann to those who accused her of being a bad mother: "Please dont call me a bad mother for being different than you. Its a shame how there are still so many close minded people in this country."


Hindi napigilan ng ABS-CBN actress na si Andi Eigenmann na maglabas ng kanyang hinaing sa official Twitter account niya ngayong araw, April 8.

Ito ay patungkol sa mga kritikong nagsasabing hindi siya mabuting ina sa anak na si Ellie.

Ang hinihinalang pinagmulan nito ay isang Instagram post ni Andi na umani ng negatibong reaksiyon mula sa netizens, ngunit binura rin niya ito kaagad.

Hindi nakuhanan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nabanggit na litrato, ngunit mababasa pa rin ang kanyang tweets patungkol dito.


Sa sunud-sunod na tweets niya, ipinahayag ni Andi ang kanyang pagkadismaya sa pag-"sexualize" ng ilang netizens ng litrato ng anak.

Pahayag ng single mom, "Today, my daughter was sexualized over an innocent photo. Today, I was told off by people because I teach my child to embrace her femininity."

Dagdag niya, "Today, I realised I will always be in the wrong because the people of this country does not even know what is sexist and what is not."

"Oh and they also dont understand good art."

Sa sumunod na tweet, umalma si Andi sa mga nagbansag sa kanya bilang isang "bad mother."

"Please dont call me a bad mother for being different than you. Its a shame how there are still so many close minded people in this country."

Pagtatapos ni Andi, "Self worth. Freedom of choice. Empowerment. COME ON, LADIES."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN