Elizabeth Oropesa reiterates respect for Jim Paredes despite their political differences

IMAGE Elizabeth Oropesa's Facebook / Jim Paredes

Elizabeth Oropesa reiterates her respect for staunch Duterte critic Jim Paredes despite his controversial 'bullying' video of some Duterte supporters during the recent EDSA anniversary rally: "Di ko lang nagustuhan yung style ni Jim, kasi fan niya ako. Sa totoo, despite our differences, kahit na siya ay di maka-Duterte, never ko siyang inisip na bastusin."


Naging viral at pinag-usapan sa social media ang video ni Elizabeth Oropesa, kung saan naglabas siya ng pagkadismaya kay Jim Paredes dahil sa pagtataboy nito sa ilang kabataang pro-Duterte sa EDSA People Power anniversary rally noong Pebrero.

Read: Elizabeth Oropesa calls out Jim Paredes for allegedly bullying Duterte Youth members at EDSA rally

Kilala si Elizabeth bilang isa sa mga artistang sumusuporta sa administrasyong Duterte, samantalang si Jim naman ay kilala sa kanyang pagbatikos sa kasalukuyang pamahaalaan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres sa premiere night ng pelikulang Bubog na ginanap sa SM Lanang, Davao City noong March 30, sinabi ni Elizabeth na hindi niya nagustuhan ang ginawa ng OPM icon, bagamat tagahanga siya nito.

Pahayag ng beteranang aktres, “Ako kasi, marunong akong gumalang sa tao.

“Kanya-kanyang karapatan, kanya-kanyang posisyon ang bawat tao.

“Ika nga, kung ang Presidente ko man ay nagmumura, okay lang, kasi alaga niya ako.

“Kaysa naman sa president na di nga nagmumura, wala namang natutulungan, wala namang nagagawa."

Patuloy ni Elizabeth, “Di ko lang nagustuhan yung style ni Jim, kasi fan niya ako.

“Sa totoo, despite our differences, kahit na siya ay di maka-Duterte, never ko siyang inisip na bastusin.

“Nung ginawa niya yun, nabastusan talaga ako sa style niya, kasi inaalipusta nila yung Presidente ko na nagmumura daw.

“E, siya pala yung bastos.

“Kaya di ko natiis na di magsalita.

“Napanood ninyo naman ang video ko.

“Marahan ako saka di ko pa rin siya binastos.

“Sinabi ko lang na, sa tingin ko, bilang senior citizen na tulad ko, mali yun. Hindi dapat.

“Yung posisyon namin sa buhay na pare-pareho kaming mga artista, na medyo mataas naman ang posisyon sa pelikula and being an artist, hindi dapat umarte nang ganun."

Hindi pa raw sila nagkikita pagkatapos ng isyu sa pagitan nila.

Pero aniya, “Nagkatotoo lahat ng sinabi ko, ang daming nagbanta sa kanya. Ang dami talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, sabi ko, 'Mag-iingat ka, ang daming gustong gumanti sa 'yo.'

“Ako, wala akong balak na gumanti sa kanya.

“Hindi na kailangan, sapat na yung mga sinabi ko."

Tila babala pa ni Elizabeth, “Hindi ako naghahamon, pero huwag akong hahamunin, kasi di ako uurong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN