Is Mark Herras ready to shed his playboy image?

IMAGE Noel Orsal

Now older and wiser, Mark Herras admits that he's mature enough to finally ditch his playboy image: "Kapag sinabi noon ang name ko, yung pagiging babaero agad ang naiisip ng marami. Hindi ko naman dine-deny na marami tayong nakarelasyon. Yun ang old Mark Herras. Ngayon gusto kong burahin lahat iyon."


Inamin ni Mark Herras na kilala siya dahil sa kanyang “playboy image.”

Pero ngayon ay gusto na raw niyang baguhin iyon dahil sobrang seryoso na siya sa girlfriend niyang si Winwyn Marquez.

“Kapag sinabi noon ang name ko, yung pagiging babaero agad ang naiisip ng marami.

“Hindi ko naman dine-deny na marami tayong nakarelasyon.

“Yun ang old Mark Herras.

“Ngayon gusto kong burahin lahat iyon.

“I want to have a new image para naman hindi nakakahiya sa anak ko at sa mga magiging anak ko pa in the future,” pahayag ni Mark nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bagong GMA-7 drama comedy series na D’Originals sa GMA Network Center noong nakaraang April 5.

TIME FOR CHANGE. Alam ng Kapuso actor na mahihirapan siyang mapaniwala ang marami sa gusto niyang image ngayon, lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon.

Pero kahit na may mga bumabatikos pa rin sa kanya, desidido na si Mark na magkaroon ng good boy image para sa babaeng mahal niya ngayon.

“Two years na rin kami ni Wyn at siyempre, gusto mong magkaroon ka ng seryosong buhay.

“Si Wyn ang masasabi kong isa sa mga taong nagpabago sa akin.

“Kahit na ilang beses na niya akong ni-reject noon, nakita naman niya ang pagiging seryoso ko.

“Siyempre, unang nagpabago sa akin talaga ay ang anak kong si Ada.

“Noong dumating si Ada sa buhay ko, doon ko na na-realize na marami akong taon na sinayang sa buhay ko.

“Sa age ko ngayon [30 years old], dapat tapos na ako sa mga hindi magagandang ginagawa ko.

“Tatay na ako, e.

“Ngayon nga, wala na yung mga taong nagpalaki sa akin—si Daddy, Papa Pim, Mamang at Mama.

“Parang naiwan na ako to care of myself and my daughter.

“Kaya ito na ang tamang panahon para sa pagbabago,” diin pa ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESISTING TEMPTATION. Inamin ni Mark na tulad ng role niya sa D’Originals ng GMA-7, naging unfaithful siya sa mga babaeng nakakarelasyon niya. Madali raw kasi siyang madala ng tukso.

“Mare-realize mo rin balang-araw na hindi pala tama ang mga ginagawa mo noon na pambababae.

“Noong una, mahirap gawin.

“Pero dahil seryoso na ako sa babaeng mahal ko ngayon, madali naman palang umiwas sa tukso.

“To be honest, meron pa ring mga umaaligid sa tabi-tabi na tukso, pero hindi na ako pumapatol.

“Nagkakaedad na po tayo, hindi na tayo bata tulad noon na may excuse para magpaiba-iba ka ng girlfriend.

“Ngayon, isang babae na lang ang gusto, at siya na ang gusto kong makasama talaga panghabang-buhay,” pag-amin ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN