Iza Calzado hopes to start a family in three years

IMAGE Noel Orsal

Iza Calzado sees herself a family woman in two to three years, and still active in show business. 


Plano ni Iza Calzado na magkaroon ng pamilya dalawa o tatlong taon mula ngayon.

Committed ang ABS-CBN actress sa kanyang British boyfriend, ang businessman na si Ben Wintle.

Sa blog conference ng A Love to Last noong March 29, inusisa ang 34-yer-old actress kung kailan niya balak magkaroon ng anak.

“Mga siguro in two, three years. Malapit-lapit na rin.

"Hindi pa ako nagmamadali, pakasal po muna ako,” may halong birong sagot ni Iza.

Sinabi ni Iza noon na kapag nagpakasal siya, may posibilidad na sa ibang bansa siya maninirahan, kung saan naroon si Ben.

Iiwan niya ang showbiz?

Tugon niya, “Baka ako’y babalik-balik, pero puwede ko rin namang ipagpatuloy dun.

“Puwede rin akong mag-aral dun, magklase.

“You don’t know where life is going to take you.

"So it’s good to be open and go with the flow of life.

“Whatever is given to you, make the most out of it.”

A CAREER TO LAST. Nakikita rin daw ni Iza  ang sarili na tatagal sa pag-arte hanggang sa pagtanda.

Saad niya, “Oo, kasi mahal ko talaga. Mahal ko siya.

“This is what I know and I’m nowhere near where I want to be.

“But I would like talaga to act, to perform, to be around people.

"And share that energy onstage... even off stage.

"It’s a very fun industry, yes, there are moments when it gets tough, but I really do enjoy it.

"And I really just want to be better at it.

"I want to study and to all this things, go out of my comfort zone.”  

Kasalukuyang abala si Iza sa primetime series na A Love To Last, kasama sina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

Bibida rin siya sa upcoming horror film na Bliss, na naging kontrobersyial nang mabigyan ito ng X-rating. Ngunit sa pangalawang review ay binigyan na ito ng R-18 rating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN