Malacañang defends Mocha Uson's inclusion in President Duterte's Middle East delegation

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog on Facebook

May mga nagtaas ng kilay kung bakit nakasama si Mocha Uson sa opisyal na delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit nito sa tatlong bansa sa Middle East. Pero ayon sa Malacañang, isang government worker si Mocha at marami itong followers na OFWs na gusto rin siyang makita at makausap.


Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagiging bahagi ni Mocha Uson sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa Middle East mula April 10 hanggang April 16.

Ito ay pagkatapos kuwestyunin ng ilang mga kritiko ang pagkakasama ng blogger, entertainer, at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member.

Kabilang sa mga kumuwestiyon ay ang musikerong si Jim Paredes, na kilalang kritiko ng Pangulo.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Jim ng tanong kung ano ba ang role ni Mocha sa three-nation tour ng Presidente.

Pero ayon sa Malacañang, si Mocha ay kuwalipikadong makasama sa nasabing state visit ng Pangulo bilang board member ng MTRCB at kawani ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, maraming followers si Mocha sa kanyang Facebook blog na mga Pilipinong nagtatrabaho sa Middle East.

Makakatulong daw ang MTRCB board member sa pag-boost ng morale at well-being ng OFWs.

“The appointed official of The Movie and Television Review and Classification Board is part of the Philippine delegation. She has a large following among the overseas Filipino communities, especially in the Middle East, and it is in their interest that she has come to help boost morale and well-being.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN