Paolo Ballesteros reunites with daughter Keira in New York; visits his father's grave

IMAGE Instagram (@pochoy_29)

Paolo Ballesteros visits his father's grave in New York and introduces daughter Keira. (Left photo) Paolo besides his dad's grave with daughter Keira and ex-girlfriend Katrina Nevada. (Right photo) Father and daughter, Paolo and Keira. 


Sinorpresa si Paolo Ballesteros ng kanyang dating girlfriend na si Katrina Nevada at ng kanilang anak na si Keira nang bisitahin nila ang Eat Bulaga! host, na nasa U.S. ngayon para sa KalyeSerye Sa US concert ng GMA Pinoy TV.

Kasama ni Paolo sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, at Wally Bayola para sa kanilang series of shows sa iba't ibang states sa Amerika.

Naka-based naman sa Chicago, Illinois sina Katrina at Keira.

Ipinost ni Katrina sa Instagram ang video kung saan kinatok ni Keira si Paolo sa kanyang kuwarto, sa tulong ni Alden.

Nagkita ang mag-ama nang magtungo ang anak ni Paolo sa New York, kung saan naroon ang grupo ng Eat Bulaga! hosts para sa leg ng kanilang show sa nasabing state.

Sinamantala na rin ni Paolo ang pagkakataon upang bisitahin ang puntod ng kanyang ama, kasama sina Keira at Katrina.

Sa caption ay ipinakilala ni Paolo si Keira sa kanyang lolo na nakalibing sa Orange Country Veterans’ Cemetery sa New York.

Hi Papa... meet Keira! ??????♥???♥??? @mariakatrinanevada

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Pumanaw ang ama ni Paolo noong June 2009 dahil sa mild dysplastic anemia.

Sa epitaph ng ama ni Paolo ay mababasang dati itong kasapi ng US Navy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN